• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Duterte itinangging siya nasa likod ng pagpapakulong kay Walden Bello

DUMISTANSYA si Bise Presidente Sara Duterte sa mga akusasyon ng grupong Laban ng Masa na ang ikalawang pangulo talaga ang pasimuno sa kasong kinakaharap ng aktibista at dating VP candidate na si Walden Bello.

 

 

Lunes kasi nang arestuhin ng Quezon City police si Bello para sa kasong cyber libel na inihain ni Jefrey Tupas, na isang empleyado ng Office of the Vice President.

 

 

Una nang sinabi ng Laban ng Masa na state-sponsored “proxy harassment” talaga ang cyber libel suit galing kay Duterte sa mga kritiko gaya ni Walden. Anila, dummy lang talaga si Tupas.

 

 

“I have never filed a libel case in my life,” wika ni Inday Sara sa isang pahayag.

 

 

“Instead of deflecting blame, playing the victim of an imaginary case of political persecution, and dragging me into his legal woes, I suggest that Mr. Bello be reminded of the fact that a civilized and democratic society does not respect hubris.”

 

 

“The right to freedom of speech and expression does not protect anyone from defiling the name and reputation of other.”

 

 

Nagmula ang reklamo ni Tupas sa paratang ni Bello na gumagamit at tulak ng droga ang una. Matatandaang sinisante si Tupas ni noo’y Davao City Mayor Sara Duterte matapos um-attend ng isang party kung saan P1.5 milyong halaga ng droga ang nakumpiska.

 

 

Nangyari ito habang naglulunsad si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng “madugong war on drugs.” Si Digong ay tatay ni Sara Duterte.

 

 

“That he calls the charge against him ‘silly’ speaks volumes of Mr. Bello’s character — it was clearly derision of and an insult to the Prosecutors and the time and effort they put in to uphold the rule of law,” dagdag pa ni VP Duterte.

 

 

“I am asking him to stop obsessing over me — and stop blaming me for his fall from grace.”

 

 

Si Bello ay kilalang intelektwal, guro at human rights activist. Nagsilbi rin siyang kinatawan ng Akbayan party-list noon sa Kamara.

 

 

Agad namang tumugon si Walden sa pahayag ng bise presidente, na ngayo’y kalihim din ng Department of Education (DepEd). Aniya, kahit na anong sabihin ay may kamay daw si Inday Sara sa paglabag sa kanyang freedom of speech.

 

 

“The cyberlibel charge against me was a vindictive response to questions I raised about Vice President Duterte’s performance as mayor of Davao that she was expected to answer as a candidate for higher office,” ani Bello kanina.

 

 

“Instead of engaging in democratic exchange, her camp weaponized the law by filing a cyberlibel case against me, declared me persona non grata in Davao, and branded me a narcopolitician.”

 

 

Matatandaang inilabas ni Bello ang pahayag tungkol kay Tupas noong paulit-ulit na hindi dumadalo si Duterte sa VP debates para humarap sa mga isyu. Magkalaban sila sa parehong posisyon nitong Mayo 2022.

 

 

Dagdag pa ni Bello, hindi ito gawain ng mga democratic personalities ngunit ng mga taong maliit ang respeto sa freedom of speech. Hindi rin daw maitatago sa “mabubulaklak” na retorika ang atake sa mga demokratikong karapatan.

 

 

“She should act in a manner that befits a vice president and cease disgracing herself and her office by her futile defense of an indefensible act,” dagdag pa niya.

 

 

Matagal nang inilalaban ng mga journalists at press freedom advocates ang decriminalization ng libel at maging civil case na lamang upang hindi magamit sa pangha-harass ng mga taong nagpapahayag.

 

 

Inaasahang maghahain ng kanyang piyansa ngayong araw si Bello para sa kanyang pansamantalang kalayaan.  (Ara Romero)

Other News
  • THE BEST IN THE REGION

    THE BEST IN THE REGION.   Hawak ni Gobernador Daniel R. Fernando ang dalawang Plake ng Pagkilala ng Lalawigan ng Bulacan sa pagiging “Top 1 among all provinces in Central Luzon for obtaining the Highest Nominal Locally Sourced Revenue of 3,237,800,946.86” at “Top 3 for obtaining a 12% Year on Year Growth in Locally Sourced […]

  • PBBM, balik-Pinas matapos ang inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto

    BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Lunes ng umaga matapos makiisa sa inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto.     Sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay lumapag sa Maynila ng alas-5 ng madaling araw, ayon sa Communications Secretary Cesar Chavez.     Nakiisa ang First Couple sa ibang world leaders […]

  • Hawaan ng COVID-19 sumipa sa 45% nitong Enero 4 – OCTA

    Sumipa na sa 45 percent ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na Enero 4, mas mataas sa dating 40 percent positivity rate sa Kalakhang Maynila.     Bunga nito, inaasahan ng OCTA Research Group na pumalo ang bagong CO­VID-19 cases sa kada araw sa 10,000 hanggang  11,000 dagdag na kaso ng virus. […]