VP Leni sa vaccine infomercial kasama si Duterte: ‘Open na open ako’
- Published on May 25, 2021
- by @peoplesbalita
Iginiit ni Vice President Leni Robredo na handa siyang makipagtulungan kay Pangulong Rodrigo Duterte para mahikayat ang mas maraming Pilipino na tumanggap ng COVID-19 vaccines.
Pahayag ito ng pangalawang pangulo, matapos siyang akusahan ng tagapagsalita ni Duterte na tutol umano ito sa mga bakuna ng China.
“Open na open ako kung kailangan iyan para makatulong sa vaccine trust. Any time, Ka Ely. Sabihin lang sa akin kung anong gagawin ko, kailan, saan,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.
Nilinaw ng VP Leni na walang katotohanan ang paratang ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon sa bise presidente, iminungkahi lang niya na idaan sa tamang proseso ang Chinese vaccines dahil hindi naging malinaw ang panuntunan ng paggamit nito noong umpisa ng vaccine rollout.
Kung maaalala, hindi pa agad inirekomenda ng Food and Drug Administration ang Sinovac COVID-19 vaccine sa mga healthcare worker at senior citizen.
Umapela rin noon ang Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na gawaran muna ng “positive recommendation” ng Health Technology Assessment Council ang naturang bakuna.
“So ang sinasabi ko, Ka Ely, sana naman bago naggagawa ng mga public statements iyong mga regulatory agencies natin, nag-uusap-usap muna kasi hindi siya nakakatulong. Hindi siya nakakatulong sa vaccine trust. Iyon iyong sinabi ko, Ka Ely, dahil kapag sinabing sinisiraan o kino-kontra ko iyong Sinovac dati, fake news po iyon.”
Bago pa man nagsimula ang pamahalaan sa pag-rolyo ng COVID-19 vaccines, naging aktibo na ang Office of the Vice President (OVP) sa paglalabas ng “infomercials” tungkol sa bakuna.
Noong nakaraang linggo nang matanggap ni Robredo ang kanyang unang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Hanggang sa ngayon ay wala naman daw siyang nararamdaman na seryosong side effect maliban sa pagka-ngalay ng braso at pakiramdam ng nilalagnat.
“Delayed sa akin, Ka Ely, medyo mangalay, tapos iyong pakiramdam ko na feverish ako. Alam mo iyon, Ka Ely, iyong pakiramdam mo magkakasakit ka. Pero noong kinuhaan ako ng temperature, wala naman akong sakit. Pero sandaling-sandali lang, sandaling-sandali lang, Ka Ely, after a few minutes wala na.” (Daris Jose)
-
Limited face to face classes aprubado na ni PDU30
INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasagawa ng pilot face to face classes. Sa regular press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DEPED secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face to face classess. Limitado lamang muna ito sa 100 paaralan. Base sa guidelines , maisasagawa lamang […]
-
SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement
HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return. Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay […]
-
DEREK, naka-focus ngayon sa pamilya at sa gagawing international movie kaya ‘di muna magte-teleserye
FOR the first time ay magkakasama sa isang pelikula sina Janmo Gibbs, Bing Loyzaga at Manilyn Reynes. Ito ay sa Mang Jose na produced ng Viva Films to be shown at Vivamax on December 24. Idea ni Janno na isama sa movie sina Bing at Manilyn. Asawa niya si Bing sa movie at […]