• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP LENI sinagot pagiging top spender sa Facebook ads

NILINAW ng isang 2022 presidential aspirant ang patungkol sa pangunguna niya sa gastusin pagdating sa campaign ads sa isang social media site, habang idinidiing ginawa ito ng kanyang mga supporter upang labanan ang “fake news” at disinformation.

 

 

Umabot kasi sa P14.1 milyong halaga ng Facebook advertisements ang nagastos para kay Bise Presidente Leni Robredo sa pagitan ng ika-4 ng Agosto, 2020 hanggang ika-31 ng Disyembre, 2021. Lumabas ito sa Ad Library ng FB, dahilan para maging numero uno siya sa lahat ng presidential aspirants sa platform.

 

 

“From the official campaign, none that I’m aware of. Ang alam ko talaga, karamihan talaga dito mga volunteer groups,” sabi ni Robredo, nang tanungin sa ANC kung campaign team nila ang gumastos rito.

 

 

“I understand why our volunteers feel the need to do that because it has been clear over the past five years and going into the campaign na grabe talaga ang social media machinery ng kalaban.”

 

 

Ang bulto ng naturang mga bayad na patalastas ay naipaskil matapos niyang maghain ng certificate of candidacy noong Oktubre 2021.

 

 

Sa kabila nito, hindi idinedetalye sa naturang Ad Library kung magkano ang ginagastos ng mga kandidato para gawin ang mga patalastas, mga bayad sa social media experts na humahawak ng accounts atbp. Hindi rin nito sakop ang mga bayad sa social media “influencers” na nag-eendorso sa FB.

 

 

Tugon pa ni Robredo, na tinitignan nang marami bilang frontrunner ng oposisyon sa 2022 elections, may “troll armies” ang kanyang mga katunggali na nagpapakalat ng pekeng impormasyon at pamemersonal.

 

 

“Kaya marami talaga sa volunteer groups namin, yung perception nila, kailangan talaga nilang tumulong. Every time we meet, yun ang kinakatakutan, ‘to na naman ang fake news, kailangan natin ‘tong labanan,'” dagdag pa ng bise.

 

 

“Parang yung sense of urgency din sa kanila nandun. Kaya everyone else is doing their share.”

 

 

Disyembre 2021 lang nang itanggi ng kapwa niya presidential aspirant na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang diumano’y paggastos ng P305.9 milyon sa mga patalastas sa telebisyon bago pa ang pormal na campaign season. Itinuturing siya ngayon ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) bilang top spender sa naturang traditional media platform.

 

 

Nobyembre pa nang manawagan si presidential aspirant Ka Leody de Guzman na ipa-ban ang kumersyalisadong premature campaigning ng mga 2022 bets, bagay na nagbibigay daw sa mga mapepera ng matinding bentahe. (Daris Jose)

Other News
  • Training ni Obiena sagot na ng PSC

    WALA nang dapat alalahanin si pole vaulter Ernest John Obiena tungkol sa kanyang gastusin para sa paghahanda sa 2021 Olympic Games.   Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang pondong gagamitin para sa mga lalahukang torneo hanggang sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo.   “The budget for EJ, from now […]

  • Mabilis na hustisya sa 4 na sundalong na-ambush, iniutos ni PBBM

    KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur.     Sa official X o dating Twitter account ni Marcos, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa.     “We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our […]

  • 2 kelot na nasita sa paninigarilyo, buking sa P170K shabu

    SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects matapos mabisto ang dala nilang nasa P170K halaga ng ilegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa pagyoyosi sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga […]