Training ni Obiena sagot na ng PSC
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
WALA nang dapat alalahanin si pole vaulter Ernest John Obiena tungkol sa kanyang gastusin para sa paghahanda sa 2021 Olympic Games.
Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang pondong gagamitin para sa mga lalahukang torneo hanggang sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo.
“The budget for EJ, from now up to the Olympics, has been approved, thankfully, generously, by the Philippine Sports Commission,” wika kahapon ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico. “We’re happy to announce that.”
Matapos angkinin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre ay dumiretso ang 22-anyos na si Obiena sa training camp sa Formia, Italy bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics.
Sa anim niyang podium finishes sa walong nilahukang kompetisyon ay humakot ang 6- foot-2 Pinoy pride ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.
Ang nasabing gold medal ni Obiena ay nagmula sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic sa kanyang itinalang 5.74 meters.
“His needs will all be met, despite the pandemic,” wika ni Juico kay O-biena, isa sa apat na Pinoy athletes na nakakuha ng tiket para sa 2021 Tokyo Games bukod kina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial.
Muling sisimulan ni Obie-na ang kanyang training sa Pebrero.
-
Sa pagbabalik nila sa lock-in taping sa Vigan City: ROCCO, nag-aalala dahil malapit nang manganak ni MELISSA
CONGRATULATIONS to Kapuso actor Mike Tan. Kahit pala pandemic, nagpasya si Mike na ipagpatuloy ang kanyang college studies, ngayon ay graduate na si Mike ng Bachelor of Science in Psychology sa Arellano University. Nagpasalamat si Mike sa kanyang Instagram post: “I’m grateful to God for His presence, provision, and His pipelines […]
-
16 NBA players panibagong nahawa sa COVID-19
Kinumpirma ngayon ng NBA na umaabot sa 16 na players ang panibagong nahawa sa COVID-19. Tumanggi naman ang NBA na ibulgar ang mga pangalan ng naturang mga players. Ang nasabing bilang ay nanggaling umano sa 497 players na isinailalim sa COVID-19 mula Jan. 6. Tiniyak naman ng liga na maging ang mga […]
-
Desisyon ng IATF, binawi ni PDu30
BINAWI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga kabataang may edad na 10 hanggang 14 na nasa lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lumabas-labas ng bahay simula sa Pebrero 1. “Yung restrictions na lifting the age for 10 […]