• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Leni, tablado sa Malakanyang

TABLADO sa Malakanyang si Vice-President Leni Robredo nang imungkahi nito sa pamahalaan na maglatag ng communication plan para mahikayat ang mga filipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito’y matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na matagal ng mayroon at kasalukuyan nang ginagawa ng pamahalaan ang communication plan na iminumungkahi pa lamang ng bise-presidente.

Ang sagot naman ni Dr. Ma. Luningning Elio- Villa, Medical Director at Faberco Life Sciences, Inc, sa iminungkahi ni VP Leni ay ” I understand na gagawin naman po ng Department of Health yan together with the medical specialist and experts. So, sama-sama. I understand.. it’s already wthin the government plan.”

Sinusugan naman ito ni Sec. Roque sabay sabing, “sinagot na po kayo ni Dra. madam President. Iyong suhestiyon ninyo po, ginagawa na po ng gobyerno. In fact, lahat po ng dini-discuss natin dito sa press briefing natin .. kabahagi po iyan ng communication plan. Kinakalat po ng ating mga kalaban na matakot dapat sa mga vaccine ng Tsino, na kinakailangan Western brands lang. Kaya pinapakita po natin na ang Tsino po eh dumaan sa clinical trials sa iba’t ibang bansa at least. 91.5% ang efficacy rate po ng Sinovac. Kabahagi po iyan sa plano. Kung wala pong plano eh hindi ganito ang nangyayari sa ating mga press briefing.”

Pinasalamatan din ni Sec. Roque si Dra. Luningning sa pagsagot kay VP Leni.

“Siguro naman ho dahil doktora kayo.Hindi na niya idi-dispute yan,” giit ni Sec. Roque.

Sa ulat, sinabi ni VP Leni na dapat maipaalam sa publiko ang mga benepisyong makukuha sa pagpapabakuna.

Ang mga isyu sa Dengvaxia at iba pa ang dahilan kung bakit nadudungisan ang imahe at mahina ang tiwala ng publiko sa COVID-19 immunization program.

Binigyang-diin ni VP Leni na kailangang patunayan ng mga lider na hindi dapat katakutan ang mga bakuna.

Hinimok din ng Bise Presidente ang mga pribadong kumpanya na mag-invest sa pagpapabakuna sa kanilang mga empleyado. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’

    Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya.     Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”.     Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta.     Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]

  • P272 milyon lang nagastos sa kampanya ni BBM

    KUNG ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nina president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paniniwalaan, umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.     Ito ang isiniwalat ni George Briones, general counsel ng PFP, sa ulat ng ABS-CBN News pagdating sa kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) na ihahain […]

  • Lakers ipinaliwanag ang hindi pagbisita nila sa White House

    Nakatakda kasing maglaro ang Lakers sa homecourt ng Washington Wizards sa Abril 28 at tradisyon na sa NBA na ang sinumang championship teams na dadayo sa Washington ay didiretso ng bibisita na rin sa White House.     Nagpahayag na rin ang ilang manlalaro ng Lakers gaya ni LeBron James na nais niyang makipagkita kay […]