• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19

Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security.

 

 

“I was all set to go. But just a few minutes ago, I received a contact tracing call informing me that my close-in security has tested positive [for COVID-19],” pahayag ni Robredo.

 

 

Anya, halos araw-araw ay kasama niya ang kanyang close-in security kahit sa loob ng sasakyan, sa elevator at sa opisina.

 

 

Ayon kay Robredo, susunod siya sa health protocols at sasailalim din sa RT-PCR o swab test.

 

 

Matatandaan na no­ong nakaraang taon, nag-quarantine na rin si Robredo matapos ma-expose sa taong nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Una nang naglunsad ang tanggapan ni Robredo ng mobile Swab Cab na nagkakaloob ng libreng antigen COVID tests sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus. (Daris Jose)

Other News
  • Medical mission sa Batangas, pinangunahan ni Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mahigit 200 delegado sa pangununa ni Gob. Daniel R. Fernando ang bumiyahe ng mahigit apat na oras upang marating ang Brgy. Talaibon, Ibaan, Batangas at nagsagawa ng medical mission na tinawag na “Tulong ng Bulacan Para sa Nasalanta ng Bulkang Taal Medical Mission” kahapon.   Sa pakikipagtulungan ng Damayang Filipino Movement, […]

  • 4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds

    HIGIT 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.     Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ?106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na P102.610 bilyon.     Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ?750 […]

  • 4 hrs/day teaching time, hirit ng mga guro

    UMAAPELA  ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na bawasan ang oras ng pagtuturo ng mga public school teachers at gawin itong apat na oras na lamang kada araw.     Sa isang pahayag, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Philippines spokesperson Ruby Bernardo na hindi makatao ang walang tigil na […]