VP Robredo pumalag sa mga patutsada sa kanya ni Pres. Duterte
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi na nakapagtimpi pa si Vice President Leni Robredo sa sunod-sunod na tirada laban sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.
Tinawag ni Robredo na isang “misyogynist” ang presidente.
Ito raw ay ang uri ng mga tao na kinamumuhian ang mga kababaihan.
Sa isang Twitter post, ipinakita ng bise-presidente ang ginagawa ng kaniyang grupo gabi-gabi para lamang matulungan ang mga nasalanta ng nagdaang bagyo.
Masyado raw siyang busy sa pagpupuyat para naman maabutan ng tulong ang mga nangangailangan.
Hindi rin nakaligtas mula sa ikalawang pangulo si chief presidential legal counsel Salvador Panelo na umano’y nagsusulsol sa pangulo ng fake news tungkol sa kaniya.
Kaya lang naman daw pikon na pikon sa kaniya ang pangulo ay dahil sa kung ano-anong maling balita na isinusumbong ni Panelo.
Kahit minsan aniya ay hindi niya tinanong kung nasaan ang presidente noong mga oras na hinahagupit ng kalamidad ang bansa.
Naniniwala umano si Duterte na si Robredo ang pasimuno ng “#NasaanAngPangulo” na naging trending sa social media noong kasagsagan ng bagyong Rolly at Ulysses.
-
Ads February 4, 2023
-
Ads November 17, 2022
-
Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls
LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes. “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses […]