VP Sara Duterte, dinalaw ang chief of staff na nakaditene sa Kamara
- Published on November 25, 2024
- by @peoplesbalita
VICE President Sara Duterte, bumisita sa kanyang chief of staff, na nakaditene sa Kamara matapos ma-cite in contempt dahil sa “undue interference” sa pagdinig ng komite.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, dumating si Duterte sa Batasang Pambansa, Quezon City dakong ala- 7:40 p.m. ng Huwebes at pinayagang mabisita ang kanyang aide na si Undersecretary Zuleika Lopez hanggang alas-10 ng gabi.
Pagkatapos nito ay nagtungo ang Vice President sa opisina ng kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte at doon nanatili ng magdamag.
Ang regular visiting hours sa Kamara ay mula alas 8 ng umaga hanggang ala 5 ng hapon.
Subalit sinabi ni Velasco na pinayagan si Duterte na bumisita ng lagpas sa visiting hours bilang kunsiderasyon sa kanya.
Nakipag-koordinasyon na ang kamara sa Philippine National Police sa Quezon City para mag standby kung kinakailangan ng karagdagang security personnel. (Vina de Guzman)
-
Proud si Lea na siya muna ang hahalili sa ‘Here Lies Love’: VINA, natupad na ang dream na makapag-perform sa Broadway
NATUPAD na ang dream ni Vina Morales na makapag-perform on Broadway dahil sa pinag-uusapang hit musical ngayon na ‘Here Lies Love’. Gagampanan ni Vina ang role bilang Aurora Aquino. Si Lea Salonga ang original na gumanap as Aurora Aquino sa naturang first all-Filipino cast on Broadway. The producer of […]
-
Katotohanan sa ABS-CBN franchise issue, hirit ni Duterte – Palasyo
MAGMAMASID ang Malacañang sa magiging takbo ng gagawing imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN franchise renewal sa Lunes. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na papanoorin ng Palasyo ang gagawing pagbusisi ng mga senador sa prangkisa ng nabanggit na TV network pati na kung ano ang gustong gawin ng mga senador. Ayon kay […]
-
CLAUDINE, tanggap ang relasyong RAYMART at JODI ‘wag lang pabayaan ang anak nila
ANG Borracho Film Productions ni Atty. Ferdinand Topacio ang magpo-produce ng comeback movie ni Claudine Barretto. Ito ay ididirek ni Joel Lamangan mula sa script ni Eric Ramos. Ang story idea ay nagmula mismo kay Atty. Topacio, na nag-compose pa ng kanta na inawit sa contract signing cum presscon ni Claudine […]