• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara Duterte, nilinaw na hindi biro ang pahayag niya na ‘designated survivor’ at hindi pagdalo sa SONA

NILINAW  ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte na hindi siya nagbibiro at hindi bomb threat ang sinabi niya na itatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Inihayag ito ng bise presidente kasabay ng ginanap na Brigada Eskwela National Kickoff sa pangunguna ng SDO Cebu Province ng Region VII kanina.
Ayon sa kay Duterte, marami ang nakaligtaan kung ano ang pinupunto niya. Kaya para sa kaniya, kung hindi umano naintindihan ang pahayag niya sa unang pagkakataon, hindi na karapat-dapat na ipaliwanag pa.
”Karon rako nakakita nga kanang Vice President nga ginapangita ang ilang attendance sa tanan nga mga butang. Dili to siya joke. Dili pod to siya bomb threat.”
Una nang iniulat na sinabi rin ng pangalawang pangulo na hindi siya dadalo sa July 22 SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil itinatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Sa U.S., ang designated survivor ay itinatalaga kung ang Presidente ay makikipagpulong sa lahat ng opisyal, kasama ang mga constitutionally designated successors gaya ng Vice President, Senate President, House Speaker at Supreme Court Chief Justice.
Sakaling may maganap na malagim na insidente na maaaring ikamatay ng Presidente at lahat ng successors, awtomatikong manunumpa ang sinumang Cabinet member na designated survivor bilang Presidente. (Daris Jose)
Other News
  • MRT 4 magdudulot ng 73,000 na trabaho para sa mga Filipinos

    Inaasahang magbibigay at magdudulot ng 73,000 na direct at indirect na trabaho sa mga Filipinos ang pagtatayo ng Metro Rail Transit Line 4 (MRT4) na siyang magdudugtong sa Eastern part ng Rizal at Metro Manila.     Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa signing ceremony noong nakaraang Biyernes sa Rizal Provincial […]

  • Pia Wurtzbach, ‘not engaged & not pregnant’

    Tinapos na ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga ispekulasyon hinggil sa umano’y ikakasal na sa bagong foreigner boyfriend.   Ayon sa 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, marami ang nagbigay-kulay sa nakaraang “5 weeks countdown” ng Venezuelan businessman boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.   Gayunman, patungkol aniya ito sa kanilang […]

  • P14.3-B na benepisyo ng mga health workers naibigay na ng DOH

    Naipamahagi na ng Department of Health ang P14.3 bilyon na halaga ng benepisyo ng mga public at private health workers.     Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III, na minarapat na ibigay ang nasabing mga benepisyo ng mga medical frontliners.     Hanggang aniya sa susunod na taon ay magkakaroon aniya ng benepisyo ang […]