• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, hindi deserve na ma-impeached-PBBM

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na hindi deserve ni  Vice President Sara Duterte  na  ma-i impeached sa kabila ng naging pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan na ito ng  ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

“Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached, we don’t want her to… she does not deserved to be impeached so we will make sure that this is something we will pay very close attention to,” ayon kay Pangulong  Marcos sa isang panayam.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na  ang “impeachment talks” ay hindi karaniwan mula ng  “there will always be an element that would want to change the result of an election.”

 

 

“Well, lahat naman kami mayroong ganyan eh (we all have detractors). So, I don’t think it’s particularly unusual, I don’t think it’s particularly worrisome,” anito.

 

 

At  nang tanungin kung mayroong anumang bitak sa  UniTeam, sinabi ng Pangulo na  “I don’t think so. Mas tumitibay nga eh.”

 

 

Inilarawan din ng Pangulo ang kanyang relasyon kay  Duterte ay  “excellent.”

 

 

“On a professional level, nothing but good things to say about the work she has done in the Department of Education,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Pagdating naman sa  personal level, sinabi ng Pangulo na magkasundo naman  sila ni VP Sara. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, ipinagpaliban ang Bangsamoro region polls sa 2025

    TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin sa May 2025.   Isang larawan ang makikita sa Bangsamoro Government’s official Facebook page kung saan nilalagdaan ng Pangulo ang nasabing batas.   “Under the law, the first parliamentary elections in […]

  • Magandang itinatakbo ng vaccination rollout ng bansa, pinuri ni PDu30

    Patunay kasi ito na ginagawa PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte Jr. magandang itinatakbo ng vaccination rollout sa bansa.   ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tiyakin na mas maraming Filipino ang protektado laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).   Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay sinabi ng Pangulo […]

  • FILING NG COCC, WALANG EXTENSION

    Walang extension ng  filling ng Certificate of Candidacy o COC, ayon sa Commission on Elections (Comelec).   Sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, ang filling ng COC ng mga nais kumandidato para sa 2022 May election ay nakatakda sa October 1 hanggang 8, 2021.   Ayon kay Jimenez, ang last minute ng pagbabnago ng […]