• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara inakusahan ng ‘cover up’ sa P500 milyong confidential funds sa OVP

INAKUSAHAN ang umano’y pag-cover up ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan nang pagpigil sa mga malalapit niyang tauhan na sinasabing sangkot sa maling paggamit ng P500 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso.

 

Ipinahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chair ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability, ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagdalo ng mga opisyal na may direktang responsibilidad sa paghawak ng pampublikong pondo na sinusuri.

 

“Ang nakikita po namin dito, ang pinapupunta po nila ‘yung mga career officials na sa tingin po namin e hindi naman po sila ang talagang concerned. Parang nagkakaroon po ng cover-up dito po sa issue na ito,” wika ni Chua sa mga tanong ng mamamahayag sa press conference.

 

Sa ikalimang pagdinig ng komite noong Lunes, dumalo ang ­ilang career officials ng OVP—kabilang sina Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez, Chief ­Accountant Julieta Villa­delrey, Budget Division Chief Edelyn Rabago, at Chief Administrative Officer Kelvin Gerome Tenido.

 

Gayunpaman, hindi dumalo ang malalapit na kasamahan ni Duterte, tulad ni OVP Undersecretary at Chief of Staff Zuleika Lopez at Special Disbursing Officer Gina Acosta na kapwa nagsilbi bilang staff ni Duterte noong siya ay alkalde ng Davao City.

 

Hinahanap ng komite ang mga paliwanag mula sa mga opisyal ng OVP sa umano’y maling paggamit ng P500-milyon na CIFs para sa huling quarter ng 2022 at ­unang tatlong quarter ng 2023.

 

Itinuro ng COA ang ­halos kalahati ng ­kabuuan at hindi pinayagan ang P73 milyon sa P125 mil­yon na ginastos ng OVP sa loob lamang ng 11 araw sa huling quarter ng 2022. (Daris Jose)

Other News
  • Locsin personal na nag-sorry sa Chinese government

    HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government sa mga maaanghang na pahayag nito sa kanyang tweet na may kaugnayan sa presensiya ng Chinese ships sa West Philippine Sea.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na humingi ng dispensa o paumanhin si Locsin kay Chinese Ambassador to the […]

  • Mas mababang crime rate sa MM, naitala ng PNP ilang araw bago ang holiday season

    NAKAPAGTALA  ng mas mababang bilang ng mga krimen sa National Capital Region ang Philippine National Police ngayong papalapit na ang holiday season.     Sinabi ni National Capital Region Police Office Spokesperson PLTCol. Dexter Versola na mas bumaba pa  ang rate ng peace and order indicator o yung tinatawag na 8 focus crimes na binabantayan […]

  • Andi, ‘di na sanay sa ingay ng city at na-miss agad ang Siargao

    NASA Manila pala ngayon si Andi Eigenmann kasama ang mga anak na sins Ellie at Lilo at hindi makauwi sa Siargao.   Na-stranded ang mag-iina sa Manila at miss na nila ang bahay nila sa Siargao kunsaan ang naroon lang ay ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo.   Dahil sa magkakasunod na bagyo […]