• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, ipinagmalaki ang liderato ni PBBM

NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr, kung saan ang liderato ay  “marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will.”

 

 

Ipinagmalaki ng Bise-Presidente si Pangulong Marcos at ang “kind of leadership that inspires us to be more aggressive in delivering what we have promised to the Filipino people.”

 

 

Pinuri rin ni Duterte-Carpio, kasalukuyang Kalihim ng Department of Education (DepEd) si Pangulong Marcos dahil sa pagsuporta sa kanyang polisiya sa departamento na aniya’y ” will benefit not only our learners but also the teaching and non-teaching staff of the department.”

 

 

Ipinahayag pa rin ng Kalihim ang kanyang  satisfaction o kasiyahan sa development agenda ni Pangulong Marcos para sa Mindanao, na kanyang home island.

 

 

“It offers us hope and a deep sense of optimism that the efforts to stamp out terrorism and the peace-building initiatives of the past administrations are strengthened to bring about meaningful development for the region and its people,” ayon sa Bise-Presidente.

 

 

“The same hope and optimism resound across the country with the implementation of his administration’s socio-economic agenda, providing security to vulnerable sectors such as farmers and fisherfolk,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 14) Story by Geraldine Monzon

    NAGULAT si Bernard nang tawagin siya ng matanda sa pangalan niya. Mula rito ay nalaman niyang ito ang ama ni Roden na dati niyang kaibigan at ka-officemate. Humakbang muli si Bernard palapit sa matanda.   “What a small world, kumusta na po si Roden?”   “Ahm…maayos naman siya…”   “Good. Mabuti naman po at nakilala […]

  • Dalang shabu ng kargador, buking

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City.   Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng […]

  • Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela

    UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1.   Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng […]