VP Sara, itinalagang OIC habang nasa state visit si PBBM
- Published on September 6, 2022
- by @peoplesbalita
ITINALAGA si Vice-President Sara Duterte bilang Officer-In-Charge (OIC) habang wala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kanyang state visit sa mga bansang Indonesia at Singapore mula Setyembre 4 hanggang 7, 2022.
Sa ipinalabas na Special Order No. 75, nakasaad dito na upang matiyak na magpapatuloy ang government service, kailangan na magtalaga ng OIC para siyang mangalaga sa day-to-day operations ng Office of the President (OP).
Bukod pa rito, ang OIC ang mangangasiwa sa general administration ng Executive Department.
Kaya nga, ipinag-utos ng Pangulo kay VP Sara na umakto bilang OIC at kung kinakailangan, “act for and on behalf of the President, except on matters that the President is required by the Constituion to act in person, during the time that the Presidnet is outside the Republic of the Philippine from 04-07 September 2022.”
Tutulungan naman ng lahat ng departmento, ahensiya ng pamahalaan at instrumentalities ng gobyerno si VP Sara sa lahat ng gagawin nito.
Ang lahat ng magiging hakbang ni VP Sara alinsunod sa nasabing kautusan ay maituturing na pag-akto ng Pangulo maliban na lamang kung “disapproved o reprobated” ng Pangulo.
Ang nasabing kautusan ay nilagdaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez. (Daris Jose)
-
Kahit alam na nila pero ‘di pwedeng sabihin: DINGDONG, inaming na-experience nila ang joy of discovering kung sino ang killer
ANG actress-singer na si Vina Morales ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.” Isa sa unang naitanong kay Vina ay kung naniniwala pa ba siya sa kasal. Medyo nabigla si Vina pero sagot niya, isa raw iyon sa ipinagdarasal niya, naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya. […]
-
1-month housing payment, pinahinto… Calamity loan para sa Kristine-hit members -Pag-IBIG Fund
SINABI ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na maaaring nang mag-avail ang mga miyembro na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine ng ‘one-month housing loan payment moratorium at calamity loan.’ Sinabi ng Pag-IBIG na maaaring nang mag-apply ang mga miyembro nito na nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng […]
-
Sotto mabilis makaagapay sa sistema ng Gilas
Mabilis na nakaagapay si Kai Sotto sa sistema ng coaching staff na magandang indikasyon para sa Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Mismong si Gilas Pilipinas assistant coach Jong Uichico na ang nagpatunay na mataas ang basketball knowledge ni Sotto. Sinabi pa ni Uichico na hindi ito […]