VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP
- Published on June 8, 2023
- by @peoplesbalita
KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support” ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP).
Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni Robredo sa “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga partners nito na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding the scope and enriching the socioeconomic programs” ng OVP sa buong taon.
Hindi naman dumalo si Robredo sa nasabing event, subalit si Angat Buhay Executive Director Raphael Magno ang tumanggap ng plaque para sa kanya.
Maliban kay Robredo, pinagkalooban din ni Duterte ng plaques ang 432 local at private entities, government agencies, at mahahalagang personalidad para sa kanilang kontribusyon sa mga programa ng OVP.
“We are here because of our shared aspiration for our fellow Filipinos — especially those who have been pushed against the wall by poverty and the cycle of violence that comes with it,” ayon kay Duterte.
“We are here because of our mutual trust and respect — and our shared sense of collective responsibility to ensure the overall welfare of our people,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
-
DOH pinag-iingat ang publiko vs pekeng contact tracers ng COVID-19
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng contact tracing team ng ahensya para sa close contacts ng COVID-19 cases. Sa isang advisory sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang nagpakilalang contact tracers na nanghingi ng personal na impormasyon at pera sa […]
-
Ads November 16, 2023
-
Kelot huli sa akto sa pampasabog sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang isang tambay matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng granada sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ni PSMS Roberto Santillan ang naarestong suspek na si Marlon Dela Cruz, 29 at residente ng Doque St., Brgy., Malanday ng lungsod. Sa report nina PSSg Julius Congson at PCpl Raquel […]