• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, may hawak na listahan ng ‘impeachable offenses’ ni PBBM

SINABI ni Vice President Sara Duterte na mayroon siyang listahan ng limang bagay na impeachable offense na maaaring makapagpatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kanyang tanggapan.

 


“Si BBM [President Ferdinand Marcos Jr.]? Sabihin ko sa inyo, may listahan ako ng limang bagay na impeachable offense niya, pero sa tingin niyo, papasa diyan sa House? Of course, hindi, ‘di ba,” ayon kay VP Sara.

 

Gayunman, hindi naman idinetalye ni VP Sara kung anu-anong mga ‘offenses’ ang kanyang tinutukoy.

 

Sa kabilang dako, inamin ni VP Sara na bago siya maupong Bise Presidente ay alam niyang impeachable officer siya kaya binasa niya kung ano ang mga impeachable offenses na maaaring makapagpatalsik sa kanya sa puwesto.

 

Samantala, hanggang sa ngayon ay wala pang pahayag ang Office of the President (OP) o mismong si Pangulong Marcos sa usapin ito. (Daris Jose)

Other News
  • TNT lalapit sa finals

    LALAPIT ang nagdedepensang TNT Tropang Giga sa pagdakma sa championship ticket, habang mag-uunahan ang San Miguel at Barangay Ginebra sa 2-1 lead sa Season 49 PBA Governors’ Cup semifinal series.     Hawak ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semis showdown, sasagupain ng Tropang Giga ang Rain or Shine Elasto Painters sa Game Three ngayong […]

  • VILMA at DINGDONG, pangungunahan ang maningning na Gabi ng Parangal ng ‘4th EDDYS’ sa April 4

    PANGUNGUNAHAN nina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes ang maningning na gabi ng parangal ng 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa bago nitong streaming date sa April 4, Easter Sunday, 8 p.m., sa FDCP […]

  • Dahil sa pag-arte at pagi-gaming: ALDEN, natatakasan ang mga stress ng buhay

    PARA kay Alden Richards, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera “is an escape” mula sa mga stress ng buhay.   Ano ba ang mga stress ni Alden sa kanyang buhay?   “Minsan kasi, of course tayo tao lang, dun nga po pumapasok yung, ‘Tao lang tayo,’ kahit gaano mo katagal i-shield yung sarili […]