• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, nagbigay-galang kay dating PM Shinzo Abe

BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang official residence ni  Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

 

 

“Ang pagmamahal at pagpapahalaga ng dating Prime Minister sa Pilipinas ay hinding-hindi natin makakalimutan,” ayon kay VP Sara sa isang Facebook post.

 

 

Sa ulat, pumanaw na sanhi ng tinamong tama ng bala sa asasinasyon ang 67-anyos na dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe habang nagtatalumpati sa isang campaign rally sa Nara City, dalawang araw bago pa ang  national election.

 

 

Nagsulat din  si VP Sara  sa book of condolences para sa yumaong prime minister.

 

 

“It is a great sadness that I learned of the passing of former Japanese Prime Minister Shinzo Abe. My profound condolences to his bereaved family and the people of Japan who are grieving over his untimely demise,” ang sinulat nito.

 

 

Kinondena naman ni VP Sara ang “senseless act of violence” na nauwi sa “untimely death” ni Abe.

 

 

“I join the Filipino people in condemning the senseless act of violence that claimed the life of a great leader. While words must be of little solace at this time, kindly allow me to express my sincerest appreciation for his contributions in bringing our countries even closer,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, nagpaabot din naman ng pakikiramay si VP Sara sa mga mamamayan ng Japan, ang liderato aniya ni Abe at impluwensiya nito ay hindi makalilimutan.

 

 

“He will always be remembered for his love and kindness for the Filipinos and Davao City. We mourn with you in this time of loss,” ani VP Sara. (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 4, 2021

  • HB 5402: Senior’s discount sa traffic fines, minungkahi

    Ang House Bill 5402 ay inihainsamababangkapulunganupangmabigyan ng diskwento ang mga senior citizens ng 20 porsiento kung sakalisila ay mahulisamga traffic violations.   Si Rep. Dan Fernandez ng distrito ng Sta. Rosa City sa Laguna ang naghain ng nasabing HB.Ang HB 5402 ay naglalayonnaamendyahan ang Senior Citizens Act of 2003 (RA 7432).   “In furtherance of […]

  • KATRINA, wini-wish ni Direk LOUIE na manalo ng acting award sa ‘AbeNida’

    NATAPOS na ni Direk Louie Ignacio ang shooting ng kanyang passion project titled AbeNida under BG Productions International.     Matagal nang pangarap ni Direk Louie na gawin ang kwentong ito na ang script ay isinulat ng award-winning writer-director na si Ralston Jover.     It took eight years before AbeNida came into fruition. Hinintay […]