VP Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices
- Published on July 5, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBUKAS ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa.
Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte-Carpio na ang OVP satellite offices ay matatagpuan sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa Surigao del Sur.
Kumpiyansa ang bise presidente na sa tulong ng mga naturang satellite offices, madaling maipapaabot ng publiko sa kanyang tanggapan ang anumang problema o concerns upang kaagad na maaksiyunan ang mga ito.
“Sa aking unang buong araw bilang bise presidente, nagbukas po tayo ng mga satellite office sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng madali at agarang access sa mga serbisyong mula sa Office of the Vice President,” ayon pa kay Duterte-Carpio, na siya ring nagsisilbing kalihim ng Department of Education (DepEd).
Una nang napaulat na maayos ang idinaos na transition sa pagitan ng kampo nina dating Vice President Leni Robredo at Duterte-Carpio.
Ipinauubaya naman ni Robredo sa bagong bise presidente kung ipagpapatuloy nito ang kanilang mga programang napasimulan. (Daris Jose)
-
Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill
IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso. “When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is […]
-
Hindi man siya nanalong president last election: Ex-Mayor ISKO, proud lolo at ipinagpasalamat na mayroon nang apo
MARAMI nang naghihintay sa invitation ng GMA Network tungkol sa GMA Thanksgiving Gala na gaganapin sa grand ballroom ng Shangri-La, The Fort, this Saturday, July 30. May pasabi sila na: “This gala is not just a party. It’s really a form of thanksgiving for all the blessings that we’ve been receiving, not just […]
-
Barbers sa mataas na rating ni Speaker Romualdez: ‘Nakaka-proud’
Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Martin Romualdez sa survey ng Octa Research ay magsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara upang mas magsumikap para matapos ang legislative agenda ng administrasyong Marcos. Ito ang sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nagsabi […]