• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara, ‘tikom na ang bibig” sa confidential fund ng DepEd

“TIKOM na ang bibig” ni Vice President Sara Duterte  sa naging desisyon ng Senado na tapyasan ng P150 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng inaprubahang P5.268-trilyong national budget sa 2023.

 

 

Ang katwiran ni Duterte “We already stated our piece about the confidential funds during the hearing sa House of Representatives and sa Senate.”

 

 

Sa ulat, bumaba sa P30 milyon ang confidential fund ng ahensiyang pinamumunuan ni VP Duterte, pero ang tinapyas na P120 milyon ay inilipat lamang sa Healthy Learners Institution Program ng DepEd.

 

 

Si Sen. Risa Hontiveros ang nagsulong ng pagtapyas sa confidential funds ng DepEd na kinatigan naman ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance.

 

 

Si Duterte  ay Kalihim ng  DepEd.

 

 

Tinatayang, umabot sa P152.67 milyon mula sa kabuuang P4 bilyong confidential fund sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno ang tinanggal sa panukalang budget.

 

 

Sinabi ng  DepEd na ang pondo ay gagamitin sa mga programa laban sa  “sexual grooming,” “active shooter copycats,” “insurgency recruitment” ng mga kabataan,  at drug involvement ng mga mag-aaral. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, binati si Maria Filomena Singh bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas

    BINATI ng Malakanyang si Maria Filomena Singh sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas.     Si Justice Singh ay nagsilbi bilang Associate Justice ng Court of Appeals.     “We are confident that she would continue to uphold judicial excellence and independence in […]

  • Mukhang sigurado na sa pagbabalik sa Maynila: ISKO, tatakbong muli at kakalabanin si Mayor HONEY

    SIGURADO na raw ang pagbabalik ni Isko “Yorme” Moreno sa pulitika at sa siyudad ng Maynila.     Tatakbong muli ang dating alkalde ng Maynila na tumalo sa nakaupong mayor noon na si Erap Estrada.       Supposed to be sa senado ang puntirya ni Yorme pero biglang nag-decide siya na babalikan ang pamumuno […]

  • 95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT

    TINATAYANG  nasa 95% hanggang  96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.     “As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.     “I expect mga 100 million more or less, so […]