VP Sara, walang respeto kina Castro at Hontiveros: ‘I have no respect for them’
- Published on September 14, 2023
- by @peoplesbalita
“I HAVE no respect for them.”
Ito ang matapang na sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nang tanungin kung bakit niya ‘singled out’ sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at opposition Senator Risa Hontiveros nang magpalabas ito ng kalatas laban sa pagkuwestiyon sa paggamit ng kanyang tanggapan ng confidential funds noong 2022.
“Because I do not respect Ms. Castro and Ms. Hontiveros. I have no respect for them,” ayon kay VP Sara sa isang panayam sa Cleanergy Park sa Punta Dumalag, Davao City.
Isang kalatas mula kay VP Sara, araw ng Lunes, Setyembre 11, pinasalamatan nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilang opisyal ng kanyang administrasyon para sa pagpapakita ng kanilang suporta at pag-alalay sa P125-million confidential at intelligence funds (CIFs) para sa Office of the Vice President (OVP) na hiniling mula sa Office of the President (OP) noong Disyembre 2022 sa kabila ng kakulangan ng line item, sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA) para sa OVP.
Kapwa naman inatake ni VP Sara sina Hontiveros at Castro, subalit hindi binanggit ang dalawang Senate presidents at legal luminaries—Franklin Drilon at Senator Koko Pimentel—na pinuna ang paglipat ng 2022 CIF sa kanyang tanggapan.
Sa kabilang dako, sa kanyang pagtugon sa tirada ni VP Sara, igiit ni Hontiveros na ang OVP ay hindi ‘special’ para sa budget nito para hindi dumaan sa ‘due process.’
Dahil dito, hinamon ng mambabatas si VP Sara na “If you’re so confident about those confidential funds, then defend them publicly.”
Ipinagkibit-balikat naman ni VP Sara ang akusasyon sa kanya ni Hontiveros na nais niya na makatanggap ang OVP ng special treatment.
“Hindi naman kami ever nagsabi na special ang Office of the Vice President ,” aniya pa rin.
“In fact, we respected the procees doon sa budget hearing ng House of Representatives and ng Senate,” ang pahayag ni VP Sara.
“The discretion, the decision whether to grant confidential funds is really up to Congress kasi sila ‘yung merong power of the purse,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Biden personal na binisita ang Uvalde, Texas matapos ang madugong pamamaril sa isang paaralan
PERSONAL na binisita ni US President Joe Biden ang bayan ng Uvalde sa Texas para makidalamhati sa mga pamilya ng biktima ng pamamaril sa isang paaralan. Matapos ang pagdalo sa misa at nagtungo ang US President sa itinayong memorial malapit sa Robb Elementary School kung saan nandoon ang pangalan ng 19 mag-aaral at […]
-
Nakita raw nang mag-grocery sa isang mall sa Cebu: KAYE, dinenay ang lumabas na video na may mga bodyguard
KUNG hindi mauudlot ang plano, mapapanood muli sa original station ng ABS-CBN 2 ang pambato nilang news program na “TV Patrol”. Isang kapamilya insider ang nagkuwento sa amin na starting this week ay sa channel 2 na mapapanood ang premyadong news program ng network. Nagkasundo na raw ang management ng ALL TV […]
-
Gilas 3×3 todo ensayo na!
Doble-kayod na ang Gilas Pilipinas 3×3 bago tumulak patungong Graz, Austria para sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 29 hanggang 30. Ayon kay Gilas 3×3 head coach Ronnie Magsanoc, sumasalang sa dalawang ensayo kada araw ang kanyang bataan dahil ngayon lamang nakumpleto ang tropa. “In terms of effort, I […]