• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?

MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan.

 

Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang trabaho para sa kanilang mga customers ay sa lansangan ginagawa. Talamak ito ngayon kahit sa mga pangunahing lansangan. Resulta – traffic, illegal paking at pagkasira ng mga kalsada at bangketa.

 

Minsan ay nakakita tayo ng ganito sa kahabaan ng Banawe Ave. sa Quezon City at natabunan na ng langis at grasa ang sidewalk dahil sa kalsada nga nagtatrabaho ang nga nasa motorworks na ‘to. Kung tutuusin ito nga ang sinasabi ni Presidente Digong na to liberate our roads from private use and to bring them back to the people.

 

Ang katuwiran naman ng mga ito ay bakit daw sila babawalan sa lansangan e yung serbisyo nila ay kailangan sa lansangan. Pero bakit hindi nila gawin ang trabaho sa kanilang bakuran at hindi sa lansangan lalo sa public sidewalk.

 

Malimit pa walang business permit ang mga ito. Kung meron man ay hindi para sa motorworks gaya ng pagbebenta ng spare parts ng sasakyan pero hindi pagawaan ng sasakyan. Pati mga junk o abandoned vehicles ay nakabalandra sa kalye – ito yung mga matagal nang nakatiwangwang sa harap ng mga motorshops dahil hindi pa maipagawa.

 

Unfair ito sa mga ligal at reputable na mga motorshops, mga carwash establishments na nasa maayos na pwesto at may sariling pagawaan at hindi sagabal sa mga public walkways.

 

Sumusunod itong mga ligal na negosyo sa batas at hindi inaabuso ang permit na ipinagkaloob sa kanila. Maraming tatamaan kung sakaling ipagbawal at paalisin na talaga ang mga iligal at mga sagabal. Maraming aangal.

 

Pero mas marami ang matutuwa dahil maibabalik natin ang mga lansangan sa tao at hindi na magagamit ang mga ito sa negosyo ng iilan lang.

 

Malimit ang nabibiyayaan ay tahimik lang na nasisiyahan at ang mga abusado pag itinatama ay sila pa ang mga maiingay at mareklamo. Subaybayan natin ito at matyagan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Mas maraming insentibo para sa mga Filipino scientists, hangad ni PBBM

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Science and Technology (DOST)  na maghanap ng paraan para mapagkalooban ng karagdagang insentibo ang mga  Filipino scientists.     Sa idinaos na 8th Annual Balik Scientist Program Convention,  hinikayat ni Pangulong Marcos ang marami pang Filipino scientists na manatili sa bansa at ibahagi ang kanilang kaalaman […]

  • Ads December 14, 2021

  • PARI SINUNTOK, IMPORT NG ADU KULONG

    HAWAK na ngayon ng MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS) ang varsity player ng Adamson University matapos na itulak at manuntok ng isang pari sa loob ng gym ng eskuwelahan sa Ermita, Maynila.   Kinilala ang atleta na si Papi Sarr, 28 anyos, Cameron National, nanunuluyan sa Falcon Nest., Adamson University sa San Marcelino St., […]