‘ Wag gamitin ang sitwasyon ng pandemya sa negosyo
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
UMAPELA si Senador Bong Go sa mga nagsasamantala at ginagawang negosyo ang COVID- 19 na sana ay unahin na ang buhay ng kapwa Pilipino bago ang kanilang pagkita nang sobra-sobra.
Sinabi ni Go na necessary commodity na ang COVID-19 testing habang mayroon pang pandemya kaya napipilitan na ring magbayad ng mahal ang mga Pilipino para makapagpasuri kaya naman hindi na dapat samantalahin ng iba.
Binigyang diin ni Go na dapat palaging unahin ang buhay ng mga Pilipino at hindi dapat pagkakitaan lang ng mga nagsasamantala .
Kaugnay nito, iginiit ni Go na dapat mayroon nang mekanismo na nakalatag para maging mas available at affordable ang COVID-19 testing.
Ayon kay Go, tulad ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, uunahin ang mga mahihirap at vulnerable sector kapag mayroon nang available at sure na COVID- 19 vaccine para makabalik na sa normal na pamumuhay at paghahanap-buhay. (Ara Romero)
-
Ads February 23, 2022
-
Life story ng first Olympic Gold Medalist na si HIDILYN na ginampanan ni JANE, muling mapapanod sa ‘Maalaala Mo Kaya’
DUMATING noong Miyerkoles ng hapon mula sa Tokyo si Hidilyn Diaz after niya magwagi ng gold medal sa weightlifting last Monday. Napanood ng buong bansa ang panalo ni Hidilyn which was a shining moment para sa lahat ng mga Pilipino. Ang panalo ni Hidilyn ng gold medal, tapos nakagawa pa siya […]
-
LIBRENG DRIVE-THRU AT WALK-IN COVID-19 SEROLOGY TESTING SA MAYNILA, BALIK OPERASYON NA
MULING binuksan sa publiko ang lahat ng libreng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, ika-4 ng Enero, matapos pansamantalang isara ng mga ito nitong nakaraang Kapaskuhan. Sa abiso ng Manila Health Department (MHD), muling bubuksan sa residente at hindi residente ng Maynila ang Drive-Thru Testing Center […]