• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Waging Best Actress sa ‘AIFF’ para sa ‘Kargo’: MAX, minsan lang gumawa ng movie at nanalo pa ng award

NAKABIBILIB si Max Eigenmann dahil minsan lang ito gagawa ng pelikula at nanalo pa ng award.

 

 

 

Kelan lang ay nagwagi itong Best Actress sa ASEAN International Film Festival (AIFF) para sa pelikulang ‘Kargo.’

 

 

 

Ang iba pang awards ni Max ay mula sa 2022 Cinemalaya (Best Actress for ’12 Weeks’), 2019 Asia Pacific Screen Award (Best Actress for ‘Verdict’) at 2016 CineFilipino Film Festival (Best Supporting Actress for ‘Ned’s Project’).

 

 

 

Hindi naman nakakapagtaka ang husay ni Max sa pag-arte dahil nasa dugo niya ang pagiging isang Eigenmann. Halos lahat sa Eigenmann family ay humahakot ng awards, lalo na ang ama ni Max na si Mark Gil at ang mga kapatid niyang sina Gabby Eigenmann at Sid Lucero. Award-winning din ang kanyang uncle na si Michael de Mesa at ang auntie na si Cherie Gil.

 

 

 

“Of all the awards na napanalunan ko po, very special sa akin itong AIFF because back in 2015, Tita Cherie was honored with a best actress award for ‘Sonata.’ Kaya ang sarap lang ng feeling na pareho kaming nabigyan ng best actress ng AIFF,” sey ni Max na kasama sa GMA afternoon series na ‘The Missing Husband’.

 

 

 

Bilang isang Eigenmann, inamin ni Max na minsan ay nape-pressure siya to always give a good performance dahil kilala ang pamilya nila na mahuhusay na artista.

 

 

 

“It’s neither easy nor hard because my family has always made sure to make each other feel we are our own person in terms of our careers. This is kinda funny pero ‘pag magkakasama kami hindi talaga namin pinag uusapan ‘yung trabaho.

 

 

 

“But I’m proud to be an Eigenmann because I love my family and I’m proud to be part of this legacy that my grandfather (Eddie Mesa) had started building a long time ago.”

 

 

 

***

 

 

PARARANGALAN si Beyonce Knowles bilang honorary mayor ng Santa Clara, California.

 

 

 

Bibigyan nga si Queen Bey ng key to the city bago maganap ang kanyang ‘Renaissance Tour’ sa Levi’s Stadium.

 

 

 

“The city of Santa Clara is excited about Beyoncé’s upcoming visit to the world-renowned Levi’s Stadium. Her concerts will certainly bring a great deal of energy and excitement. She has had a tremendous cultural impact as one of the most influential pop culture figures,” ayon sa Santa Clara spokesperson Michelle Templeton.

 

 

 

Hindi ito ang unang beses na pinarangalan bilang honorary mayor ang isang celebrity. Noong i-stage ang ‘The Eras Tour’ noong nakaraang July, binigyan din ng key to the city of Santa Clara si Taylor Swift at tinawag ang city na “Swiftie Clara” for two days.

 

 

 

Nagkaroon naman ng “Beyonce Day” sa cities of Atlanta at Minneapolis.

 

 

 

Mag-turn 42 si Queen Bey on September 4 at ni-request nito on Instagram na magsuot ng “something sparkly” ang kanyang fans sa gabi ng kanyang tour.

 

 

 

“Virgo season is upon us. This tour has been such a joy and as we approach the last month, my birthday wish is to celebrate with you wearing your most fabulous silver fashions to the shows 8.23 – 9.22!”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads May 4, 2024

  • Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

    BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.   Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang […]

  • PBBM, kumpiyansa na sapat ang budget para sa Mayon-affected residents

    KUMPIYANSANG sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan para bigyan ng karagdagang suporta ang mga pamilyang apektado ng kamakailan lamang na aktibidad ng Bulkang Mayon.     Sa isang ambush interview sa Taguig City, tinanong kasi si Pangulo Marcos kung may sapat na pondo para tulungan ang mga apektadong […]