Wala kaming bayaran sa socmed laban kay VP Robredo – Andanar
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
MARIING itinanggi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kumuha ng mga troll o bayarang vlogger o manunulat sa social media ang administrasyong Duterte para atakehin o siraan si Vice President Leni Robredo.
Tugon ito ni Andanar sa bintang ng kampo ni Robredo na mababa ang performance at trust rating ng Vice President dahil sa mga atake o paninira rito sa social media.
Paliwanag ni Andanar, independiyente o nagsasarili ang mga kritiko at inilalayo ng PCOO ang administrasyong Duterte sa mga ito upang hindi maimpluwensyahan sa paglalabas ng kanilang mga pananaw sa anomang isyu, lalo na sa na sa mga kontrobersya na may kinalaman kina Duterte at Robredo.
Dagdag ni Andanar, pareho lang din sina Robredo at Pang. Rodrigo Duterte na sinisiraan, inaatake at ginagawan ng fake news sa social media.
Hindi rin gawain ng administrasyon ang gumamit ng mga bayaran sa socmed para lang isulong ang pagkahati-hati ng lipunan, pahayag pa ni Andanar.
Nauna rito, sinabi ni Barry Gutierrez, spokesman ni Robredo, na mas mababa ang gradong natamo ng huli sa usaping performance at trust rating sa Pulse Asia survey kaysa sa tatlong pinakamatataas na opisyal ng bansa dahil sa mga pag-atake at paninira ng mga troll ng administrasyong Duterte.
Reklamo pa ni Gutierres, higit na mas malakas umano ang gamit sa komunikasyon ng Malakanyang kaysa sa gamit ng opisina ni Robredo kaya hirap silang bakahin ang mga atake, paninira at pagpapakalat ng fake news ng mga troll.
Buwelta naman ni Andanar na pareho lang ang kakayahan sa komunikasyo ang Malakanyang at Office of the Vice President.
Matatandaang sumirit sa 91 porsyento ang pag-apruba ng mga mamamayan sa gawain at pagtitiwala ng mga ito kay Pang. Duterte samantalang 57 ang pag-apruba kay Robredo at halos malaglag ang pagtitiwala sa kanya sa gradong 50.
Naungusan pa si Robredo nina Senate President Vicente Sotto III na nakakuha ng gradong 84 at Speaker Alan Pe- ter Cayetano ng gradong 70 sa pag-apruba at sa pagtitiwala, may gradong 79 si Sotto habang 67 naman ang kay Cayetano.
Tanging si Chief Justice Diosdado Peralta na may gradong 44 sa pag-apruba at 39 sa pagtitiwala dahil hindi siya gaanong kilala ng mga mamamayan ang naungusan ni Robredo.
-
‘PNoy hindi pala-utos’
Sa pagpanaw ni dating pangulong Noynoy Aquino III, inalala ng matagal nitong kasama sa bahay ang ugali ng kanyang amo. Sa lingguhang radio program ni Vice-President Leni Robredo, kinuwento ni Yolly Yebes, kasambahay ng mga Aquino sa loob ng 30 taon, na mabait at hindi pala-utos ang dating pangulo. Sinabi pa […]
-
UFC fighter Vitor Belfort hinamon si Jake Paul
Hinamon ni dating UFC light heavyweight champion Vitor Belfort si YouTube sensation Jake Paul. Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video ng paghamon niya kay Paul. Dagdag pa ng Brazilian mixed martial arts legend na dapat siya ang ang harapin ng American star. Kasalakuyang nakapirma ang 43-anyos na si Belfort sa […]
-
Ravena biglang sumikat sa Asya sa paglalaro sa Japan
NAGING instant celebrity o agad nakilala si Filipino basketball star Thirdy Ravena ng fans mula sa Asya at iba pang bahagi ng mundo nang magsimula itong maglaro sa Japan Professional Basketball League. Ayon sa ulat, ang debut game nito bilang Asian import sa San- En NeoPhoenix na naka- streamed online ay umabot sa halos […]