• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church

Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon.

 

Imbes aniya na pahalik ay papalitan ito ng pagpupugay at pagtanaw upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa mga deboto.

 

Maaari umanong makita ng mga beboto ang imahe ng Itim na Nazareno na inilagay sa balkonahe ng Quiapo Church.

 

Idinungaw ngayon ang imahe ng Nazareno na ginagamit sa prusisyon kung saan maaaring sumaglit ang mga tao sa simbahan upang iwagayway ang kanilang panyo bilang tanda ng pagpupugay sa Poong Nazareno.

 

Hindi rin papayagan ang mga deboto na ipunas ang kanilang mga panyo sa imahe, na isa sa mga nakasanayan na ring gawin ng mga deboto tuwing pista ng Itim na Nazareno.

 

Bukod dito ay hindi rin hinihikayat ng pari ang mga deboto na magdala ng malalaking replica ng Nazareno dahil sayang ang espasyo.

 

Other News
  • Ads May 10, 2024

  • NTC sa publiko: Huwag i-click ang links, magbigay ng personal data sa mga natatanggap na spam messages

    Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages.     Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarrios, huwag na dapat buksan pa ang link na nakapaloob sa spam messages na ito.     Bukod dito, hindi rin dapat magbigay ng personal data ang sinuman sa mga links na kanilang […]

  • Djokovic umatras na sa pagsali sa Madrid Open

    Umatras na sa pagsali sa Madrid Open si World number one Novak Djokovic sa pagsali sa Madrid Open dahil pa rin sa banta ng COVID-19.     Sa kaniyang Twitter sinabi nito na hindi na muna ito maglalaro sa nasabing torneo na gaganapin sa susunod na linggo.     Huling lumaban ang 33-anyos na si […]