• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wala pa ring malinaw na plano ang pamahalaan vs COVID-19; puro lang quarantine’ – HPAAC

Dismayado ang grupo ng medical experts matapos muling luwagan ng pamahalaan ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“HPAAC is alarmed that critical bottlenecks to long-term solutions have not been addressed, and necessary changes to systems and processes have yet to be implemented,” ayon sa Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19.

 

 

Ayon sa grupo, tila wala pa ring plano ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya dahil masyado umano itong kampante sa mga “short-term” o pang-madalian na hakbang tulad ng paghihigpit sa publiko.

 

 

Bagamat napapabagal naman daw ng mga quarantine ang pagkalat ng sakit, hindi pa rin umano maikakaila na nananatiling mataas ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus.

 

 

“This ECQ may have slowed down the spread, but the numbers are still perilously high.”

 

 

Ilang rekomendasyon ang inilatag ng HPAAC bilang tugon sa iba’t-ibang problema na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nabibigyan ng karampatang tugon.

 

 

Nais ng grupo ng magtayo ang pamahalaan ng Incident Management Team para sa command at control ng NCR.

 

 

“There is inefficiency in allocating patients to the appropriate facility because there is no unity of command and effort between LGU-led and DOH-guided responses. This is why the sick and their families desperately find their own way across overflowing hospitals in the NCR hotspots, crowding out services in neighboring provinces and cities.”

 

 

Hinimok din ng medical experts ang gobyerno na magpasa ng batas para mas maging epektibo ang daloy ng datos ng mga nagkakasakit. Sa ganitong paraan daw magiging maayos ang referral network sa mga ospital at isolation facilities.

 

 

Pinabibilis din ng grupo sa gobyerno ang vaccine rollout sa pamamagitan ng aktibong pag-oorder ng supply.

 

 

“Adopt APAT Dapat and emphasize stronger messaging on ventilation measures… allocate adequate investment in social safety nets and support to populations at risk.”

 

 

Ayon sa grupo, kung mababalewala ang kanilang rekomendasyon, hindi malabong maulit lang ang sitwasyon at marami pa ang mamatay at magdudusa sa bansa dahil sa COVID-19.

 

 

“As the government inevitably lifts the ECQ, HPAAC asks: have critical bottlenecks to long-term solutions proposed been addressed? Are our systems and processes ready to protect the people from this surge?”

 

 

Batay sa huling tala ng Department of Health, aabot na sa 864,868 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.

Other News
  • PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS

    NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon.     Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso.     “Just this Saturday, during our situationer, […]

  • Unang pagkikita nila bilang Monique at Carding: BARBIE at DAVID, ipinakita na latest photo para sa ‘Maging Sino Ka Man’

    IPINAKITA na ng Sparkle GMA Artist Center ang latest photo nina Barbie Forteza at David Licauco para sa upcoming series nilang “Maging Sino Ka Man.”   Totally contrasting ang looks nila dito sa dati nilang characters bilang sina Klay at Fidel sa fantasy historical portal series nilang “Maria Clara at Ibarra.”   Ibang-iba rin ang […]

  • Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30

    PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.   Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na […]