• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala pang data para maibaba ang Metro Manila COVID-19 alert sa level 3- Roque

WALA pang nakikitang data ang mga awtoridad para suportahan ang panawagan na ibaba ang Metro Manila’s COVID-19 alert level sa Alert level 3 ngayong linggo.

 

Sa kasalukuyan, ang national capital region ay nasa ilalim ng alert 4 hanggang Huwebes na may 5-level system kasama ang granular lockdowns.

 

“Sa ngayon po, wala pang datos na nagpapakita na pupuwedeng bumaba [ang alert level]. Pero pupuwede naman itong magbago,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Noong nakaraang linggo, ang Kalakhang Maynila ay nakapag-ulat ng average na 4,347 coronavirus infections para sa isang araw, bumaba mula sa peak o rurok na 5,714 daily cases mula Setyembre 5 hanggang 11, ayon kay Dr. Althea De Guzman, pinuno ng epidemiology bureau ng DoH.

 

Gayunman, ang output ng testing laboratories noong nakaraang linggo ay bumaba ng 37,000 hanggang 248,000.

 

Nakikipag-ugnayan na ang health department sa local governments upang alamin kung bakit.

 

“Tayo’y very cautiously interpreting the decline we saw because need to assess the large decline in laboratory output we saw in the past week,” ayon kay De Guzman.

 

Aniya pa, habang ang bed utilization rate ng MM ay bumaba sa 63% mula sa 68% ilang araw bago pa, ang pigurang ito ay nananatiling nasa moderate risk category.

 

Nananatili namang nasa high-risk o 76% ang paggamit ng ICU, medyo bumaba kumpara sa 78% utilization na naiulat noong mga nakaraang linggo.

 

“Kung ito pong mga numbering ito ng NCR ang ating pagbabasehan, tayo po ay posibleng manatili pa sa alert level 4,” ayon kay De Guzman.

 

Pero tulad po ng nabanggit ni spokes [man Roque], ang mga metrics natin at ang ating mga numero ay tuloy-tuloy po nating pag-aaralan. At napakahalaga na mayroon tayong tama at accurate na datos,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • SHARON, nakabalik na at inamin na may matinding pinagdaraanan kaya humihiling na ipagdasal

    AFTER two months na vacation sa Amerika, nakabalik na ng bansa si Megastar Sharon Cuneta.     First day of August siya dumating at ngayon ay sumasailalim pa sa mandatory 10-day quarantine sa isang bonggang hotel.     Sa kanyang Instagram post, “Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August […]

  • De Los Santos sumungkit ng ika-3 medalyang ginto

    NAPSAKAMAY ni Orencio James Virgil De Los Santos ang pangatlong gold medal sa 2021 E-Karate World Series #1, Male Shotokan Division nitong linggo.     Dinomina ng Pinoy karatekang world No. 1 e-kata player si world No. 2 Matias Moreno Domont ng Switzerland sa finals, 25.6-24.4 para sa panlimang gold sa nabanggit na torneo matapos […]

  • PNP naka-heightened alert sa tigil-pasada

    NAKA-heightened alert ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng isang linggong transport strike ng iba’t ibang transport organization simula kahapon, Lunes Marso 6..     Ayon kay PNP-Public Information Office chief Police Col. Red Maranan, nasa 80 porsiyento ng  puwersa ng PNP ang ipakakalat at itatalaga sa iba’t ibang lugar upang ayudahan at bigyan ng […]