• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang ‘conflict of interest’ sa F2 Logistics deal para sa 2022 polls – Comelec

Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na walang “conflict of interest” sa pinasok na kontrata ng komisyon sa logistics company na iniuugnay sa negosyante at major campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumakbo ito sa pagka-presidente noong 2016.

 

 

Ang logistic firm ni Uy na F2 ang siyang magde-deliver ng mga election materials gaya ng vote-counting machines (VCMs) mula sa bodega ng Comelec patungo sa iba’t ibang polling precincts sa 2022 elections.

 

 

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang F2 Logistics daw kasi ang lowest bidder sa naturang kontrata kaya naman qualified ito sa pagseserbisyo sa halalan.

 

 

Una rito, hiniling ng poll watchdog na Kontra Daya na kanselahin ang P536 million delivery contract na iginawad ng Comelec sa F2 Logistics.

 

 

Ayon kay Kontra Daya convenor Prof. Danilo Arao hindi raw ito usapin ng integridad kundi usapin ito ng pagiging disente.

 

 

Kaya naman para maalis ang agam-agam dapat daw ay ikansela na ang kontrata at i-award sa isa pang kompanya na walang potential conflict of interest.

 

 

Agad naman itong sinopla ni Jimenez at sinabing ang F2 Logistics ay magde-deliver lamang ng mga kagamitan sa halalan.

 

 

Nagbigay pa ng scenario si Jimenez na posibleng lagyan ng preloaded result ang mga VCM habang ito ay ibinibiyahe pero sa araw daw mismo ng halalan at bago ang botohan ay magpi-print ang Comelec ng zero report at dito lalabas na walang laman ang mga VCM.

 

 

Kaya naman, wala raw basehan ang mga espekulasyon ng mga mga kumokontra sa paggawad ng Comelec ng kontrata sa F2 Logistics. (Daris Jose)

Other News
  • Metro Manila nasa ‘low risk’ na sa COVID-19

    Naibaba na sa ‘low risk classification’ ang National Capital Region (NCR) base sa mga datos at trend ng COVID-19 sa rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, OIC-Director ng DOH Epidemiology Bureau, na nailagay sa low risk ang NCR dahil sa pagbaba ng 23 porsyento sa mga […]

  • P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso

    UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, […]

  • Big-time oil price hike, umarangkada na naman

    SIMULA  alas-6 ng umaga, Martes (August 30) ay ipinatupad ng mga gasoline stations ang taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.     Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., ay magkakaroon sila ng pagtataas sa presyo ng oil products dahil sa paggalaw ng presyuhan ng mga produktong petrolyo sa World market.   […]