• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang dahilan para ipagpaliban ang Negros Oriental barangay, SK polls-Abalos

WALANG  nakikitang dahilan si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Negros Oriental kasunod ng kanyang pagbisita sa lalawigan  nito lamang weekend.

 

 

Sinabi ni Abalos na ang lalawigan ay mapayapa  sa loob ng apat na buwan matapos na patayin si dating governor Roel Degamo, tinukoy ang comparative data na ipinresenta sa kanya ng lokal na pulis.

 

 

“Kanilang kinumpara ang crime rate ngayon at last year. Talagang malayo, talagang napakatahimik ng Negros Oriental, except that one incident… otherwise isusuma mo lahat, talagang tahimik,”  ayon kay Abalos.

 

 

Sinabi aniya niya sa lokal na mga opisyal ng Negros Oriental na ituon ang pansin sa economic recovery.

 

 

Tinukoy ang maliwanag na pagdagsa ng turista simula nang mapaslang si Degamo.

 

 

“Ang importante rito ay bumangon economically ang Negros Oriental. Nagulat nga ako dumami ang mga turista eh…. Nakita ko iyong eroplanong nakasabay ko, madami-dami na rin iyong turista eh.” ayon kay Abalos.

 

 

Tinuran pa ni Abalos na noong bumisita siya sa Negros Oriental, personal niyang sinaksihan ang “change of leadership”  ni provincial police  Col. Ronan Claravall at outgoing director Col. Alex Recinto.

 

 

Bago pa naging Negros Oriental’s top cop si Claravall, may 100 opisyal mula sa Regional Mobile Force Battalion 7 ang dineploy sa lalawigan.

 

 

“May bagong kapulisan ngayon, ito’y part of the reshuffling para wala masyadong familiarity of that place,”  ang winika ni Abalos.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Abalos na masusi niyang im-monitor ang developments o mga kaganapan sa Negros Oriental. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

    INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.     Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.     Paliwanag ni DOTr […]

  • Kumpanya ni Manny Villar nakakuha ng ABS-CBN frequencies-NTC

    ISANG kumpanya na nag-uugnay kay dating senador at bilyonaryo na si Manny Villar ang nakakuha ng suporta ng pamahalaan na pumasok sa television market gamit ang frequency na dating naka-assigned sa ABS-CBN.     Tila ito ay muling pagbuhay sa aplikasyon ng kumpanya na Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na inihain noong Oktubre 2006, Ang […]

  • MAXENE, pinagmalaki ang screenshot na reply ng idol na si JENNIFER ANISTON sa IG post

    WINNER si Maxene Magalona nang makita namin ang comment ng Hollywood actress at iniidolong si Jennifer Aniston sa naging Instagram post.     Malamang over the moon si Maxene pagkabasa pa lang siguro ang reply sa IG post niya ni Jennifer.     Nag-post kasi si Maxene ng picture at video ng “Lolavie” a vegan […]