• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang dapat ikabahala ang mga PhilHealth employees sa ‘abolition threat’ ni Duterte – Palasyo

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga kawani ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na planong pagbuwag sa health insurer kung hindi matuldukan ang korupsyon doon.

 

Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, kilala naman ni Pangulong Duterte kung sino ang mga bulok sa tanggapan at kung sino ang mga makakasuhan.

 

Ayon kay Sec. Roque, alam din ni Pangulong Duterte na mayroon pa ring mga mabubuti at matitinong empleyado sa PhilHealth at wala dapat ipag-alala ang mga ito.

 

Magugunitang binigyan ng hanggang Disyembre si PhilHealth President/CEO Dante Gierran para linisin ang tanggapan kung hindi ito maisakatuparan sa itinakdang panahon ay saka bubuwagin ni Pangulong Duterte ang kanilang hanay.

Other News
  • 7 arestado sa sugal at shabu sa Navotas

    Arestado ang pitong katao, kabilang ang isang byuda matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan ng shabu ang apat sa kanila sa Navotas city.     Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong […]

  • GARY, hinihiling na ipagdasal na hindi mahawa sa Covid-19; ANGELI, tanggap na nag-positive ‘wag lang ang asawa

    NAGPASALAMAT si Angeli Pangilinan-Valenciano sa mga nag-wish sa kanya ng ‘get-well soon’ dahil sa nag-positive siya sa Covid-19.     “Gosh, nagsilabasan lahat ng mga mahal ko sa buhay!”      Pero huwag daw mag-alaala sa kanya ang mga friends niya at nag-post siya ng: “Guess why I posted this? Here I am isolated because […]

  • Na-stun ni Carlo Paalam ang top seed para makakuha ng ginto sa Asian Elite boxing

    MULI ang OLYMPIAN na si Carlo Paalam para sa Pilipinas, na nasungkit ang ginto sa men’s 54 kg class ng ASBC Asian Elite Men and Women’s Boxing Championships na nagtapos noong Sabado sa Amman, Jordan.   Ang Tokyo Olympics silver medalist ay pinalo ng split decision laban sa top seed na si Makhmud Sabyrkhan ng […]