• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang fare hike

Hindi kinatigan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng mga transport groups na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepneys (PUJs).

 

 

Ito ang sinabi ni Tugade sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng signing ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa proyektong “enTSUPERneur.”

 

 

“If it is up to me, as of today, I do not want increase in fares because the majority will be affected by that. I am not fighting the few, but I am protecting the many,” wika ni Tugade.

 

 

Sinabi rin ni Tugade na ipagpapatuloy niya ang kanyang pananaw at opinyon na walang fare hike na mangyayari ngayon panahon ng pandemya. Marami pa naman na ibang paraan upang matulungan ang mga drivers at operators ng mga PUJs.

 

 

Isa na rito ang kanilang inilungsad na proyekto na tinawag na “enTSUPERneur” kung saan ang mga naakpektuhan na mga transport workers ay bibigyan ng pagkakataon na magtayo ng kanilang sariling Negosyo sa pamamagitan ng livelihood assistance at pagbibigay ng financial capital.

 

 

Kasama sa programang ito ang pagbibigay ng mga trainings tungkol sa entrepreneurial-related na kaalaman, business management orientation, business capital, micro-insurance at iba pang support at monitoring activities.

 

 

“This livelihood assistance program is an addition to the social support mechanism that we have put in place. Similar to the “Tsuper Iskolar” beneficiaries are the drivers and operators who are affected by the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) so that they will be given alternative livelihood,” ayon naman kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Martin Delgra.

 

 

May approved na pondo ang proyekto na nagkakahalaga ng P200 million na ayon sa DOTr ay kanilang ibibigay bilang isang benipisyo na nakalaan sa may 6,333 na drivers at operators na mawawalan ng trabaho dahil sa resulta ng local public transport route planning at route rationalization study na ginawa ng LTFRB at Office of Transportation Cooperatives (OTC).

 

 

Ayon naman kay DOLE secretary Silvestre Bello kung saan ang DOLE ang magiging lead agency sa nasabing programa, ay bibigyan sila ng pondo mula sa DOTr upang gamitin ito sa pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa mga drivers, mechanics, conductors at operators. Maaari nilang gamitin ang perang ibibigay sa kanila sa pagtatayo ng sari-sari store o iba pang negosyo kung saan sila ay kikita.

 

 

Sinabi naman ng Department of Energy (DOE) na nakikipagusap sila sa LTFRB para sa price evaluation na kanilang ginagawa bilang kasagutan sa hiling ng transport sector para sa pagtataas ng pamasahe sa PUJs.

 

 

“In case a fare hike will not be possible, the DOE and LTFRB are discussing the computation of possible additional cash aid that may be distributed in place of the fare increase,” saad ni DOE secretary Alfonso Cusi.

 

 

Humihingi ang Pasang Masda ng P3 pesos na increase mula sa P9 pesos na pamasahe kung saan ito ay magiging P12 pesos. Pahayag naman ng LTFRB na kung papayagan ang pagtataas ng pamasahe, ang kanilang mabibigay na dagdag ay P1.26 pesos lamang base sa kanilang computation.

 

 

“While we are commiserating with jeepney operators and drivers who are plying their routes at only 50 percent capacity, we need to strike a balance because of the crisis by the COVID-19 pandemic,” ayon sa LTFRB. LASACMAR

Other News
  • Bea, tahimik na nagpasabog sa pag-babu sa Star Magic

    TAHIMIK lang ang naging transaction o transition ng paglipat ni Bea Alonzo ng management.   Mula sa ABS-CBN Star Magic hanggang sa pangangalaga na ngayon ng bago niyang manager na si Tita Shirley Kuan.   Kaya biglang pasabog na lang na nag-babu na si Bea sa loob ng maraming taon na management niya. Pero binigyang-diin […]

  • Nag-react si Oyo sa photo na pinost: KRISTINE, buntis uli sa ika-anim na anak at parang laging first time

    SA Instagram post ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto, in-announce nito na ipinagbubuntis niya ang ika-anim na baby nila ni Oyo Sotto. Makikita sa post ang solo photo ni Oyo na kuha sa shooting na may hawak na baril at ang ultrasound image ng kanilang baby.   Kahit na pang-anim na niya itong pagbubuntis, pero parang […]

  • Kelot na wanted sa rape sa Dipolog City, nabitag sa Valenzuela

    NATAPOS na ang 21-taong pagtatago ng isang puganteng manyakis na nahaharap sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng Zamboanga del Norte nang matunton ng pulisya ang kanyang pinagtataguang sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Valenzuela Acting Police Chief P/Maj. Amor Cerillo, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa […]