Walang planong magkabugan o magsapawan: RITA, sinisiguradong magugustuhan ang mga pasabog nila sa ‘Queendom Live’
- Published on December 2, 2023
- by @peoplesbalita
WALA raw plano na magkabugan o magsapawan ang mga reyna sa ‘Queendom: Live’ concert na gaganapin mamayang gabi, December 2, sa Newport Performing Arts Theater, 8 p.m.
Lahad ni Rita Daniela, “Siguro, I’m just really excited sa mangyayari sa Saturday.
“Sobrang marami kaming hinandang pasabog talaga.
“Definitely, sinisigurado namin na magugustuhan ito ng mga ka-AOS barkada namin, mga Kapuso, and definitely the Queenies.
“Itong mga prods na gagawin namin for our concert on Saturday.”
Sinang-ayunan naman ito ni Thea Astley, “Yeah, like what our Undeniable Diva Rita Daniela said, we’re so excited for you guys to see kung ano yung mga inihanda namin.
“We’ve been… this has been long awaited.
“Ang tagal na nito, na parang na-move, and now finally it’s here, Saturday na pala.”
“Sabi nga ni Thea and Rita, lahat kami excited sa concert na ‘to,” dagdag pa ni Hannah Precillas.
Pagbabahagi naman ni Jessica Villarubin, “Yun nga po, medyo tagal-tagal nga namin inantay to kasi most of us, it’s our first time.
“First concert namin to and this concert is very special kasi first time and we’re very excited na maipakita kung anong kaya namin, isa’t isa.
“Excited kami, medyo naiiyak nga po ngayon.
“We’re very excited and sana maging okay lahat at maging successful tong concert namin.”
Sinabi naman ni Julie Anne San Jose na alay nila ang concert sa mga supporters nilang mga divas ng AOS.
“More than anything, we’re very excited to perform for our fans, our supporters.
“Kasi nga, regularly nagpe-perform kami sa AOS.
“We have a Queendom segment.
“And this time, we are going to perform live, in front of them.
“So, it’s going to be a longer concert experience.
“And we want to say thank you as well sa lahat ng bumubuo ng Queendom: Live concert.
“So, kung wala sila, siyempre wala rin. Para po ito sa mga sumusuporta sa amin, especially yung mga Queenies namin.
“And since day one na talaga sila yun, nandiyan para magbigay ng inspirasyon sa amin, para magpatuloy sa lahat ng ginagawa namin, sa lahat ng mga trabaho namin, sa mga performances namin.
“And I’m also excited to perform with these very amazing, beautiful, talented ladies alongside me.
Mula sa Synergy headed by Mr. Oliver Amoroso ang Queendom: Live concert, sa direksyon ni Miguel Tanchanco.
***
MAGANDA ang mukha, napakaseksi, at out and proud lesbian ang Vivamas actress na si Angelica Cervantes!
Tatlong taon na siyang may karelasyon na babae.
“Work is work. Huwag niyo nang pakialaman. Ito yung gusto ko e,” pagrarason niya sa mga tila nagtataka na female sexy star siya ng Vivamax pero bisexual siya.
Nagkaroon na rin kasi ng boyfriend si Angelica dati.
“Napapanood niyo naman ako, diyan na kayo. Pabayaan ninyo ako,” diretsong sinabi pa ni Angelica sa preskon ng ng Haslers na bago niyang Vivamax project.
“Nagpapatunay lang na wala naman sa gender yan. Basta professional ka, magaling ka sa ginagawa mo, walang problema yon.
“Honestly, sa panahon ngayon, dapat maging open na tayo sa ganun. Kasi kapag bakla, okay lang? Kapag babae, may babaeng dyowa, hindi okay?
“Ang babae po kasi, mas open.
“Pero alam ko po, kasunod na itatanong ninyo tungkol sa physical intimacy, hindi po ako dun nagbe-base, na ‘Ano ang gusto mo, yung sa babae o sa lalake na kiyeme?’
“Ako po, wala. I mean, ang usual follow-up question sa akin, kung ano ang gusto ko.
“Meron naman raw silang intimacy ng girlfriend niya.
“Pero kung iku-compare, kung sino ang nandiyan, walang difference.
“Basta hindi ako magiging sexual sa isang tao unless meron akong nararamdaman emotionally,” mahabang pahayag ni Angelica.
Iiwan rin naman ni Angelica, tulad ni Jaclyn Jose na nakilala sa sexy films pero naging isang mahusay at awarded drama actress, ang paghuhubad kapag established na siya bilang aktres.
Ang Haslers na pelikula na mapapanood sa Vivamax at sa iba-ibang bansa sa buong mundo simula sa Disyembre 8, 2023, ang bagong pelikulang pinagbibidahan ni Angelica.
Nasa cast rin sina Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes, Quinn Carrillo (na siya ring scriptwriter ng pelikula) Marco Gomez at Calvin Reyes, sa direksyon ni Jose Abdel Langit.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Tenorio patuloy ang pagiging ‘Iron Man’ ng PBA
SA HALFTIME ng upakan ng Barangay Ginebra sa Blackwater noong Linggo ay binigyan si point guard LA Tenorio ng Philippine Basketball Association ng plaque. Ito ay dahil sa paglalaro ng 37-anyos na si Tenorio ng kanyang ika-700 sunod na laro. “Nag-e-enjoy lang din ako with the competition, siyempre. I’m enjoying myself. […]
-
Cash incentive para sa olympic gold medalist
Bukod sa MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ay nangako rin si Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na bibigyan ng cash incentives ang mga atletang mag-uuwi ng medalya mula sa Tokyo Olympic Games. Magbibigay ang SMC ng bonus na P10 milyon para sa kukuha sa kauna-unahang Olympic gold medal ng […]
-
Mystery Thriller ‘Where the Crawdads Sing’ Reveals Trailer
‘WHERE The Crawdads Sing’ is making its way to the big screen featuring an original song from Taylor Swift. We can’t bury this secret forever… the worldwide phenomenon and best-selling book, Where The Crawdads Sing, is making its way to the big screen featuring an original song from Taylor Swift. Check out the trailer now […]