“Walang puwang ang mga ‘paninira, paghahatakan pababa’ -PBBM
- Published on February 6, 2024
- by @peoplesbalita
“SA isang Bagong Pilipinas, walang puwang ang mga paninira at paghahatakan pababa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang YouTube channel sabay sabing “unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino.”
Noong nakaraang linggo, tinawag na ‘bangag’ at binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Pangulong Marcos dahil sa umano’y plano nitong mapanatili ang kanilang kapangyarihan kasabay ng isyu ng People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon.
Si Digong Duterte ay nagsalita sa isang prayer rally sa Davao City, na ginanap sa parehong araw na ginanap ni Marcos ang kanyang Bagong Pilipinas kickoff rally sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Inakusahan din niya si Marcos na isang adik sa droga at sinabing ang nangyari sa kanyang ama na si Ferdinand Sr—na napatalsik sa kapangyarihan noong 1986 ng People Power Revolution—maaaring mangyari rin sa kanya.
Habang pinagbibitiw naman sa puwesto ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Marcos.
Ayon sa alkalde, dapat magbitiw si Pangulong Marcos kung wala itong pagmamahal at mithiin para sa Pilipinas.
Samantala, ang resbak naman ni Pangulong Marcos kay Digong Duterte ay “Sa tingin ko ito ang Fentanyl. Ang Fentanyl ang pinakamalakas na pain killer na mabibili mo. Ito ay lubos na nakakahumaling at ito ay may napakalubhang epekto, at si PRRD ay umiinom ng gamot sa napakatagal na panahon ngayon,” sabi ni Pangulong Marcos.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag nang hingan ng reaksyon sa mga alegasyon na ibinato laban sa kanya ng dating Pangulo.
“Ito ay panawagan para sa kolektibong kilos tungo sa pagbabago ng ating pag-iisip, pananalita at gawa. Ito ay hindi pagtakip sa kung anong kakulangan man ang mayroon,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang video message.
“Ito ay imbitasyon sa bawat isa na kabahagi ka sa paghahanda at pagpapaganda ng ating bansa,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank
INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya. Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises. […]
-
PBA, players makikinabang sa free agency rule
PAREHONG makikinabang ang mga PBA teams at mga players sa ipinatutupad na kauna-unahang unrestricted free agency rule sa liga. Sinabi kahapon ni top sports agent Marvin Espiritu na kailangan lang takpan ng PBA ang ilang butas na maaaring pagmulan ng kontrobersya sa nasabing bagong patakaran. “I think it’s beneficial both ways […]
-
Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?
MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles. Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang […]