Walang sektor ang hindi napag-usapan sa PH-US partnership-PBBM
- Published on May 4, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG SEKTOR ang hindi nabanggit sa “partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pulong kasama ang United States-Philippines Society (USPS), ikinatuwa niya ang makabuluhang progreso na nagawa kapuwa ng Maynila at Washington para mas palakasin ang security alliance.
“Yes now, prominent are the security defense issues, but if you look at what do we do in partnership, in coordination with the United States, and there’s no part of—there’s no sector that isn’t touched by that partnership,” ayon sa Pangulo.
Winika pa ng Punong Ehekutibo na ang pagpapalakas at pagpapalalim sa relasyon ng dalawang bansa ay “a big step forward with all the developments that have been happening.”
“It has been terribly useful for us to talk about redefining our Mutual Defense Treaty and this, I think, has given us the opportunity to layout as you say that roadmap for the economy and for another big issue in the Philippines – climate change and all the other big issues,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, nangako naman ang USPS para sa “greater cooperation and partnership in the development and economy of the Philippines.”
Ito’y non-profit, bi-national organization ng prominenteng civic at business leaders ng Estados Unidos at Pilipinas.
Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang papel ng pribadong sektor sa economic development kung saan umaasa siya na “to see more engagements involving both the government and the private sector, especially in mobilizing financial resources for investments in key areas.”
Sinabi naman ni Top IBM executive Michael DiPaula Coyle na sila ay “very, very bullish” sa Philippine economy at “looking forward” na makatrabaho ang gobyerno para mamuhunan sa digitalization.
“We’re also very heavily invested in helping grow your talent pool through skills development programs, we’ve had a number of partnerships with the US government with your government to improve skills development particularly in areas like… AI and cybersecurity where I think the Philippines has an enormous opportunity to position yourselves as very competitive economy particularly in the IT services sector,” ani Coyle.
-
$672 milyong investment pledges nakuha ni PBBM sa APEC trip
NAKAKUHA nang mahigit $672,300,000 mga pangakong pamumuhunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa iba’t ibang sektor sa kanyang matagumpay na paglahok sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo. Kabilang sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo ay may kinalaman sa teknolohiya, internet […]
-
LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99
Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99. Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game. […]
-
Bella Thorne Posing as a Nun With a Gun in ‘Habit’ Trailer, Opposite Gavin Rossdale
LIONSGATE is ready to introduce its ‘God Squad’, as the studio has unveiled the trailer for Habit, an outrageous new thriller that finds Bella Thorne posing as a nun with a gun. Thorne plays a street-smart L.A. party girl named Mads who gets a gig running drugs for a washed-up Hollywood star named Eric. When their […]