• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Walk of faith” isasagawa sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno

INIHAYAG  ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na magkakaroon ng Walk of Faith sa Enero  2023 bilang bahagi ng kapistahan ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

 

 

Sa panayam ng Radio Veritas kay Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez, ibinahagi nitong bagamat ipagpaliban ang nakagawiang prusisyon ng Poong Nazareno ay isasagawa naman ang Walk of Faith sa January 8, 2023 o isang araw bago ang kapistahan ng Poong Nazareno.

 

 

“Kahit wala ‘yung ating tradisyunal na prusisyon ay madaragdag sa ating mga schedule of activities yung Walk of Faith o Lakad Pananampalataya na gaganapin sa madaling araw ng January 8,” pahayag ni Fr. Valdez sa himpilan.

 

 

Pagbabahagi ng pari na ito ay magsisimula sa pamamagitan ng Banal na Misa sa alas dose ng hatinggabi ng January 8 sa Quirino Grandstand na agad susundan ng Walk of Faith.

 

 

Kasalukuyang isinasapinal ang rutang dadaanan mula grandstand patungong Quiapo Church.

 

 

Gayunpaman paalala ni Fr. Valdez sa mga debotong lalahok sa Walk of Faith na magdala ng kandila at mahigpit na sundin ang ipatutupad na alintuntunin at protocols para mapanatiling ligtas ang kalusugan ng mananampalataya.

 

 

“Ang masisigurado po namin ay magiging maayos at organisado po ito na parang isang banal at maringal na prusisyon na may physical distancing, wala po ang imahe ng Poong Hesus Nazareno subalit inaanyayahan po ang mga dadalo na magdala ng kandila at maliliit na imahe ng Poong Nazareno, ” ani Fr. Valdez.

 

 

Napagkasunduan din ng Basilica at lokal na pamahalaan ng Maynila ang mahigpit na pagpatupad ng pagsusuot ng facemask ng bawat dadalo.

 

 

Ito na ang ikatlong taon na ipagpaliban ang tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesus Nazareno dahil pa rin sa patuloy na banta sa kalusugan ang COVID – 19.

 

 

Bagamat suspendido ang Traslacion, unti unting ibabalik ng Quiapo Church ang ilan sa mga gawain tuwing kapistahan tulad ng pagsasagawa ng Banal na Misa sa Quirino Grandstand kung saan nakatanghal ang replica image ng poon para sa ‘Pagbibigay Pugay’ sa halip na pahalik.

 

 

Gayundin ang tuloy-tuloy na Fiesta masses mula sa hapon ng January 8 hanggang sa gabi ng January 9 o kabuuang 34 na misa ang ilalaan ng Basilica para sa Traslacion 2023.

 

 

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Misa Mayor sa alas dose ng hatinggabi ng January 9 sa Quirino Grandstand.

Other News
  • Zamboangueña teen weightlifter nasungkit ang 2 gold, 1 silver sa World Youth Weightlifting Championship sa Mexico

    NASUNGKIT ng Zamboangueña teen weightlifter na si Rose Jean Ramos ang 2 gold at 1 silver medal sa isinagawang World Youth Weightlifting Championship 2022 na ginanap sa bansang Mexico.     Si Rose Jean ay 16 years old at residente ng Barangay Mampang sa Zamboanga City.     Ang World Youth Weightlifting Championship ay isang […]

  • Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021

    TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.   “Ang ginawa […]

  • Target na mabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ng Marcos administration, nirebisa

    BUNSOD nang patuloy na mababang bilang ng nagpapabakuna ng booster dose sa bansa, nirebisa ng gobyerno ang inisyal na target sa unang 100 araw ng termino ng Marcos adminsitration.     Ayon kay DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire, inisyal na target ng pamahalaan ay nasa 50% ng eligible population ang mabakunahan ng unang booster shots. […]