• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t

Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

 

Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

 

Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang tinaguriang “Wall of Heroes.”

 

 

“Before I forget mayroon tayong Wall of Heroes at pumayag naman ang Armed Forces na magtayo tayo ng Wall of Heroes diyan sa Libingan ng mga Bayani,” ani Duterte.

 

 

Muli ring kinilala ng pangulo ang kadakilaan at sakripisyo ng medical frontliners para mabigyan ng tulong medikal ang mga nangangailangang pasyente.

 

 

“Let us honor our modern-day heroes, our healthcare workers, law-enforcement officers and other frontliners who are instrumental in our fight against COVID-19 pandemic.”

 

 

“In the past year, they have risked their own lives and sacrificed their own comfort and security to ensure that our society will continue to function despite this crisis.”

 

 

Batay sa tala ng Department of Health, tinatayang 22,652 indibidwal na ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

Mula ito sa 1,308,352 na kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

 

 

As of June 11, nasa 19,389 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19. Mula rito, 98 na ang namatay.

Other News
  • Koleksyon sa MRT 3 fare hindi aabot sa projections

    INAASAHAN ng Department of Transportation (DOTr) na hindi aabot ang koleksyon sa pamasahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) para sa mga bayarin kung kaya’t hindi nito mababayaran ang kanilang financial obligations sa operator ng MRT sa ilalim ng build-lease-transfer (BLT) concession agreement nito.   “With regard to the BLT agreement, the government will […]

  • Naglabas na ng ‘Official Statement’: ARJO, nag-positive kaya isinugod agad sa hospital dahil sa pre-existing medical condition

    NAGLABAS na ng Official Statement ang Feelmaking Productions Inc. tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Arjo Atayde na nag-positive sa COVID-19 habang tinatapos ang bago niyang pelikula sa Baguio City.     Sa pinadala na official statement ng Head of Production ng new film outfit na si Ellen Criste binigyan linaw nila ang kumalat na balita.   […]

  • Ads April 12, 2023