Wall of heroes, itinatayo na sa Libingan ng mga Bayani- PDu30
- Published on June 14, 2021
- by @peoplesbalita
NAKIISA at pinangunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Philippine Independence “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan’ Malolos City, Bulacan.
Sa nasabing seremonya, ibinalita nito na mayroon nang itinatayo na “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani.
Pumayag kasi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtayo ng “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani.
Ang lahat ng mga namatay na mga doktor at nurses, mga attendants na nahawa ng Covid-19 ay pararangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng mga ito sa wall.
“It is now being built. And I would like to thank the Armed Forces of the Philippines for their “pagmalasakit” sa kapwa Filipino,” ayon sa Pangulo.
Hinikayat din nito ang mga mamamayang Filipino na dakilain ang mga “modern day heroes” gaya ng mga healthcare workers, law enforcement officers at iba pang frontliners na naging instrumental sa paglaban ng bansa sa Covid-19 pandemic.
Sa nakalipas na taon, isinakripisyo ng mga ito ang kanilang buhay at seguridad upang matiyak na ang lipunan ay magpatuloy na gumagana sa kabila ng Covid crisis.
“Marami pong salamat sa inyng pagmalasakit at serbisyo,” ayon kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
Beda may bala na panlaban sa Letran
ANG Colegio de San Juan de Letran Knights ang nagkampeon sa 95th National Collgiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament noong Nobyembre. Sinawata ng Intramuros-based squad ang umaasam ng four-peat title na San Beda University Red Lions. Kaya nasa radar ng mga basketbolista ng Mendiola na makaresbak sa mga kabalyero ni coach Bonnie Tan. […]
-
Paddington Returns to the Amazon Rainforest in a Thrilling New Adventure, “Paddington in Peru”
THE marmalade-loving bear with an insatiable sense of wonder is back! “Paddington in Peru,” the highly anticipated third installment in the Paddington series, sees our beloved bear heading to the vibrant Amazon jungle in search of his Aunt Lucy. This time, he’s not just visiting but embarking on a quest that will have audiences on […]
-
TRAVEL RESTRICTION SA 8 BANSA HANGGANG JULY 31, TRANSITING PASSENGER HINDI KASAMA
IPINAALALA ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga biyehero na na ang kasalukuyang travel restrictions mula sa walong bansa ay mananatili hanggang July 31. Ang mga bansang ito ay ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, at ang United Arab Emirates. “With the recent inclusion of Indonesia, the […]