• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.

 

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.

 

 

Sinabi ng Manahan na si Kim ay kararating lamang sakay ng Cebu Pacific galing Ho Chi Minh, Vietnam nang naaresto ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) sa airport.

 

 

Inalerto ng mga Immigration supervisors  ang mga ahente ng BCIU nang nakitang nakarehistro  sa Interpol database ang pangalan ni Kim. Dahilan upang ipag-utos ni Tansingco ang agarang deportation proceeding laban kay Kim.

 

 

Sa impormasyon mula sa Interpol’s national central bureau (NCB)  sa  Manila, si Kim ay nakasuhan na at  wanted sa Korea  dahil sa fraud, inflicting physical injuries at drunken driving.

 

 

Bukod pa dito, si Kim ay nanloko sa kanyang mga kababayan at hinikayat na mag-invest sa kanyang 30 million won o US$23,000 at babalik nito sa halagang 100 million won sa loob lamang ng tatlong buwan subalit ibinulsa nito ang pera.

 

 

Kim claimed that he would invest the funds in the casino business but he reneged on his promise and instead pocketed the money which the victim deposited in his bank account.

 

 

Nabatid pa na nagpakita rin si Kim ng isang Korean passport gayuman, naka-report sa Interpol na nawala at  ninakaw ang nasabing travel document. GENE ADSUARA

Other News
  • Sinasala na mga nominado sa Philippine Sports Hall of Fame

    NAGSARA na pala ang nominasyon para sa ikaapat na grupo na mga nakatakdang iluluklok sa 2021 Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) nito lang Linggo, Enero 31.     Sinimulan na ring salain na ang screening ng dalawang komite ng PHSOF mga kandidato para sa mga pinal na mapipili na pararangalan sa okasyon sa taong […]

  • Gobyerno, siniguro sa mga Pinoy seafarers na makababalik sa kanilang trabaho matapos na tamaan at makarekober sa COVID- 19

    INALIS ng gobyerno ang pangamba ng mga Pinoy seafarers na baka hindi na sila tanggapin pa ng kanilang employer makaraang kapitan ng corona virus at nakarekober.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, binanggit ni DOLE Secretary Silvestre Bello na hindi problema ang employment opportunity para sa mga kababayan nating seaman.   Ayon naman kay […]

  • Australian Open Champion: Djokovic balik sa ranked number 1

    Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic.   Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals.   Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 […]