Wanted na rapist sa Quezon City, natimbog ng Valenzuela police
- Published on October 7, 2024
- by @peoplesbalita
KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Quezon City matapos makorner sa harap ng isang bantog na supermarket sa Valenzuela City.
Hindi na nakapalag si alyas “Paeng”, 35, nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ni Valenzuela acting police chief P/Col. Nixon Cayaban ang warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Noel L. Parel ng Branch 106 na may petsang Setyembre 26, 2024 para sa kasong rape nang masukol sa harap ng Puregold Supermarket dakong ala-1:45 ng madaling araw sa McArthur Highway, Malanday.
Ang akusado ay nakatala sa Quezon City Police District (QCPD) bilang most wanted person nang maglahong parang bula sa naturang lungsod matapos sampahan ng kasong panghahalay at hindi na rin mahanap ng pulisya sa kanyang tirahan sa Tondo, Maynila.
Nang maglabas ng alarma ang QCPD laban sa akusado, pinakilos ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang mga city chief of police na kanyang nasasakupan upang tumulong sa pagtugis kay alyas Paeng.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Intelligence Section (SIS) na namamataan sa Brgy. Malanday ang akusado, ay agad silang nagsagawa ng manhunt operation hanggang tuluyan siyang maaresto.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto nila sa wanted na rapist. (Richard Mesa)
-
Marburg virus, mas nakahahawang BA.2.75 subvariant, nagbabanta rin sa Pinas
NAGBABALA si infectious health expert Dr. Rontgene Solante sa banta ng bagong Marbug virus at mas nakahahawang Omicron BA.2.75 subvariant na posibleng makapasok sa Pilipinas. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Solante na kailangang maghanda na agad ang pamahalaan ng Pilipinas sa pag-contain sa Marburg virus katulad ng ginawang paghahanda kontra Ebola virus […]
-
Halos 700 mga private schools, sarado muna ngayong school year -DepEd
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na magiging pansamantala lamang ang pagsuspinde muna ng nasa halos 700 mga pribadong paaralan sa buong bansa sa kanilang operasyon ngayong school year. Ayon kay DepEd Usec. Jesus Mateo, nasa 676 ang mga private schools ang nagsabi na raw sa kanila na hindi raw muna sila magbubukas ngayong […]
-
PNP isinumite na ang mga hawak na ebidensiya sa NBI re Commowealth ‘misencounter’
Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na boodle money na nagkakahalaga ng P1-million pesos ang kanilang narekober sa madugong misencounter sa Commonwealth sa pagitan ng PNP at PDEA. Ayon kay PNP Crime Laboratory Deputy Director BGen. Robert Rodriguez, nakarekober ng PNP SOCO ng P1 million boodle money sa isang van na ino occupy […]