WANTED PERSON TIMBOG SA MARITIME POLICE
- Published on May 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nagwakas na pagtatago sa batas ng isang wanted person matapos maaresto ng mga tauhan ng maritime police sa isinagawang surveillance/stakeout operation sa Navotas city.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Dominador Galido, 50, mangingisda at residente ng Brgy. Liminangcong, Taytay, Palawan.
Batay sa imbestigasyon ni PSSg Marcelo Agao, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Maritime police mula kay PLTCOL Glen Provido, Special Operation Unit (SOU) 2 Commander hinggil sa suspek.
Kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangungun ni PLT Erwin Garcia ng surveillance/stakeout operation sa F/V Marlyd DLS 77 na nakadaong sa pier 2, Notas Fish Port Complex dakong 7:30 ng gabi.
Dito, inaresto ng mga pulis si Galido sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Pedro Dabu Jr. ng RTC Branch 286 Navotas City na may petsang Februar 24, 2021 para sa kasong Robbery Extortion through Usurpation of Authority at Qualified Piracy. (Richard Mesa)
-
PDu30, bibigyan ng hustisya ang 3 namatay sa fatal shoutout sa pagitan ng mga tauhan ng QCPD at PDEA sa QC
LABIS ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring fatal shootout sa pagitan ng mga police officers at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinangako ng Pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang tatlong nasawing indibidwal. “The President, of course, expressed […]
-
PIA, gumawa ng history dahil first Miss Universe titleholder na ipi-feature sa ‘Arab Fashion Week’
GUMAWA ng history si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil siya ang kauna-unahang Miss Universe titleholder na ma-feature sa digital edition ng prestigious Arab Fashion Week. Si Pia ang magbubukas ng Arab Fashion Week on March 24, suot ang avant-garde creation of fellow Filipino Furne One of Amato Couture, kilala as the “King […]
-
PhilHealth, naging maingat sa pag-proseso sa hospital claims
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naging maingat ang state medical insurer PhilHealth sa pag-proseso ng hospital claims, na ayon sa medical facilities ay maaaring pondohan ang paggamot sa mga COVID-19 sufferers. Nauna nang sinabi ni Philippine Hospital Association na may utang ang PhilHealth sa private at public medical facilities ng P20 […]