• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wanted sa murder huli sa manhunt operation sa Malabon

NALAMBAT ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation ang isang delivery rider na wanted dahil sa kasong murder sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Jomael Pagyunan, 42, delivery rider at residente ng No. 45 Doña Ata, Constantino St. Brgy. Baritan.

 

 

Ayon kay Col. Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Joseph Alcazar ng impormasyon mula sa kanilang informant na nakita ang akusado sa Brgy. Concepcion.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PSMS Armando Isidro, kasama ang 4th MFC RMFB NCRPO sa pamumuno ni PMAJ Ronilo Aquino saka ikinasa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Pagyunan sa Gov. Pascual Brgy. Concepcion dakong alas-9:45 ng gabi.

 

 

Ani PLT Alcazar, si Pagyunan ay danakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Josie Rodil, Presiding Judge, RTC Branch 293, Malabon City para sa kasong Murder. (Richard Mesa)

Other News
  • Lingguhang positivity rate sa National Capital Region patuloy sa pagtaas

    PATULOY  umano sa pagtaas ang bilang ng bagong Covid-19 cases sa Metro Manila ito ay makaraang iulat ng Department of Health ang umaabot sa 1,600 na bagong infections nitong nakalipas na araw na mas mataas noong kasagsagan ng peak noong August 7.       Tinukoy pa ng independent OCTA Research Group sa kanilang latest […]

  • Vendor itinumba sa loob ng palengke sa Malabon

    TODAS ang isang vendor matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa kanyang stall sa loob ng palengke sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Michael De Ocampo, 48 at residente ng No. 31 S. Pascual St., Brgy. San Agustin. […]

  • Mga Pinoy na nasa death row, tulungan matapos ibasura ng Malaysia ang mandatory death penalty

    Nanawagan ang isang mambabatas sa Departments of Foreign Affairs (DFA) at Migrant workers (DMW) na tulungan ang mga Pilipino na nasa death row sa Malaysia.       Ang apela ay ginawa ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo matapos na pagbotohan ng Malaysian government nitong Lunes (April 3, 2023) ang pagtanggal ng mandatory death penalty […]