• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warriors Andrew Wiggins sa ‘di pagpabakuna: ‘It’s my problem not yours’

Agaw atensiyon ngayon sa mga mamamahayag si Golden State Warriors swingman Andrew Wiggins dahil sa pagmamatigas pa rin nito na hindi magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Natanong sa media day si Wiggins kung paano na lamang na maging ang kanyang sweldo ay baka maapektuhan sa hindi nito pagpa-vaccine.

 

 

Sagot naman ni Wiggins, problema na aniya ito.

 

 

“It’s my problem,” ani Wiggins. “I’m confident in my beliefs and what I think is right, what I think is wrong.”

 

 

Batay sa patakaran ng San Francisco Department of Public Health wala raw dapat exemption sa babakunahan mula 12-anyos pataas sa malalaking indoor gatherings.

 

 

Sinasabing nag-apply si Wiggins ng religious exemption para hindi magpaturok ng bakuna pero tinanggihan ito ng NBA.

 

 

Sa kabila nito umaasa naman si Warriors general manager Bob Myers na maayos din ang lahat lalo na para kay Wiggins sa pagsisimula ng regular season sa Oct. 19 kung saan haharapin nila sa Staples Center ang Los Angeles Lakers.

Other News
  • Pinas, Japan nagsimula nang mag-usap ukol sa reciprocal access agreement

    KAPUWA nagdesisyon na sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio  na simulan ang negosasyon para sa panukalang  Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng puwersa ng Pilipinas at Japan.   Sinabi ni Pangulong Marcos na binanggit  ni Kishida ang mga benepisyo na makukuha ng Pilipinas mula sa kasunduan pagdating sa  pagpapanatili ng […]

  • S-PASS kailangan sa inter-provincial PUVs

    Pinagutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicles (PUVs) na may biyaheng inter-regional at inter-provincial na ruta ang paggamit ng safe, swift and smart passage o S-PASS travel management system.     Ang S-PASS ay isang communication platform na ginawa ng Department of Science and Technology (DOST) upang masiguro […]

  • Biden mariing kinondena ang Russian invasion

    NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas region ng Ukraine.     Hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na.     Ang Donbas region ay nandoon ang dalawang teritoryo na unang nagdeklara ng independence na Luhansk at […]