• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warriors pasok na sa NBA Finals matapos idispatsa ang Mavericks sa serye, 4-1

BALIK  na muli sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos na talunin kanina sa Game 5 ng Western Conference finals ang Dallas Mavericks sa score na 120-110.

 

 

Tinapos ng Warriors ang best-of-seven series sa 4-1 record.

 

 

Makakaharap ng Warriors sa Finals ang magwawagi naman sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat.

 

 

Ang Finals ay magsisimula sa June 3.

 

 

Samantala sa laro kanina hindi nagpaawat si Klay Thompson nang magbuhos siya ng 32 points.

 

 

Malaking tulong din ang ginawa para sa Warriors nina Andrew Wiggins na may 18 points at 10 rebounds, Draymond Green na nagdagdag ng 17 points at si Stephen Curry na nagpakita ng 15 points at nine assists.

 

 

Sa kampo ng Mavs nasayang ang diskarte ng kanilang superstar na si Luka Doncic na nagtapos sa 28 puntos.

 

 

Dahil sa pamamayani sa serye tinanghal na kampeon sa Western Conference ang tinaguriang Dubs, habang ang veteran at two-time NBA MVP na si Curry ay muling tutuntong para sa kanyang ika-apat na NBA championship.

 

 

Napili rin Curry bilang conference MVP para maibulsa ang unang Magic Johnson trophy.

 

 

Si Klay naman ay inabot ng dalawang seasons na hindi nakalaro dahil sa tinamong matinding injury.

 

 

Kung maalala huling nagkampeon sa NBA ang Warriors noong taong 2018.

Other News
  • PDu30, pinayuhan si Pacman na mag-aral muna

    KAILANGAN munang mag-aral ni Senador at boxing champ Manny Pacquiao bago pa nito punahin at batikusin ang forein policy at ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryong West Philippine Sea.   “I don’t want to degrade him, but next time he should—mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok,” […]

  • Pagulayan kampeon sa Illinois

    MULING inilabas ni dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan ang matatalim na pangil nito upang pagharian ang 10-Ball at One Pocket events ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois.   Naitakas ni Pagulayan ang gitgitang 14-13 panalo laban sa kababayan nitong si Dennis Orcollo sa championship round upang makuha ang korona […]

  • P4.5 trilyon 2021 national budget pasado na sa Senado

    Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang P4.5 trilyon national budget para sa susunod na taon.   Bumoto ang 24 sena­dor pabor sa 2021 Gene­ral Appropriations Bill (GAB).   Tanging sina Sen. Leila de Lima na nana­natiling nakakulong at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nagpositibo sa COVID-19 ang hindi naka­boto […]