Warriors star Thompson, hindi makalalaro ng buong NBA season
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng Golden State Warriors na si All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.
Ayon sa ulat, nakuha ni Thompson ang season-ending injury sa ginanap na practice game sa Southern California noong nakaraang araw.
Sa inilabas ng statement ng Warriors, pinayuhan ito ng kanyang doctor na hindi muna maglaro hanggang hindi tuluyang gumagaling ang injury.
Magugunitang hindi na nakapaglaro noong nakaraang buong season ang 30-anyos na si Thompson dahil sa torn anterior cruciate ligament na nakuha nito sa NBA Finals.
Marami ang nagsasabi na maaaring ito na ang katapusan ng career ni Thompson dahil lagi na itong tinatamaan ng injury at bibitiwan na rin ito ng Warriors dahil wala na itong pakinabang.
Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng Golden State Warriors na si All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.
-
TBA Studios’ ‘Dito at Doon’ (Here and There) to Have a World Premiere at Osaka Asian Film Festival
JP Habac’s upcoming film Dito at Doon (Here and There) starring Janine Gutierrez and JC Santos, will premiering at the 2021 Osaka Asian Film Festival in March. The film will be screened at the Cine Libre Umeda in Osaka on March 9 and March 13 as part of the festival’s New Action! Southeast […]
-
Lakers coach ‘di pa tiyak kung kailan makakapaglaro muli sina James at Davis
Hindi pa rin matiyak ni Los Angeles Lakers coach Frank Vogel kung kailan makakabalik sa paglalaro si LeBron James. Sinabi nito na kapwa bumubuti na ang kalagayan nina James at Anthony Davis. Dagdag pa nito, parehas niyang binabantayan kung saan aabot pa hanggang walong linggo bago makapaglaro si James dahil sa […]
-
Ads September 3, 2021