• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warriors star Thompson, hindi makalalaro ng buong NBA season

Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng  Golden State Warriors na si  All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.

 

Ayon sa ulat, nakuha ni Thompson ang season-ending injury sa ginanap na practice game sa Southern California noong nakaraang araw.

 

Sa inilabas ng statement ng Warriors, pinayuhan ito ng kanyang doctor na hindi muna maglaro hanggang hindi tuluyang gumagaling ang injury.

 

Magugunitang hindi na nakapaglaro noong nakaraang buong season ang 30-anyos na si Thompson dahil sa torn anterior cruciate ligament na nakuha nito sa NBA Finals.

 

Marami ang nagsasabi na maaaring ito na ang katapusan ng career ni Thompson dahil lagi na itong tinatamaan ng injury at bibitiwan na rin ito ng Warriors dahil wala na itong  pakinabang.

 

Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng  Golden State Warriors na si  All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.

Other News
  • Tulfo, ipinag-utos ang paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act

    IPINAG-UTOS ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbalangkas at pagbuo ng  implementing rules and regulations (IRR) para patakbuhin o maging operasyonal ang Expanded Solo Parents Welfare Act.     Sinabi ng Kalihim na binuo ang  technical working group (TWG) para mag- draft ng  IRR ng bagong batas na magbibigay […]

  • PDu30, nananatili pa rin ang ‘full trust and confidence’ kay Sec. Villar

    NANANATILI ang “full trust and confidence” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Public Works Secretary Mark Villar sa kabila ng alegasyon ng korapsyon sa departamento.   Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte, sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na may bahagi ng pondo ng DPWH ang nagamit para ibigay sa ilang katao na hindi naman […]

  • ‘Sitwasyon sa mga ospital, babantayan muna bago ilagay sa Alert Level 1 ang NCR’

    HINDI pa masabi sa ngayon ng Department of Health (DOH) kung ligtas na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at mga sitwasyon sa ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng […]