• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WBA nag-sorry, ‘Champion for Life’ award igagawad kay Pacquiao

Humingi na nang paumanhin ang World Boxing Association (WBA) kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos na bawiin ang kaniyang boxing belt dahil sa hindi pagiging aktibo sa boxing.

 

 

Sinabi ni WBA President Gilbert Mendoz na nagkaroon lamang sila ng kalituhan tungkol sa “super” WBA welterweight title.

 

 

Kasabay din nito ay pinuri niya ang fighting senator dahil sa hindi na nito inalmahan ang desisyon nila.

 

 

“Thank you for being such a nice gentleman, thank you for your understanding… I was fooled, and I’m sorry about it,” ani Mendoza sa statement. “This is the 100 years of the WBA, the centennial year, you’re gonna be a Champion for Life. I’ll have a belt made and we’ll come with a resolution later.”

 

 

Tinanggap naman ni Pacquiao ang paghingi ng paumanhin ni Mendoza kung saan sinabi nito na ginagawa lamang ng WBA ang kanilang trabaho.

 

 

Plano rin nigayon ng WBA na bigyan ng pagkilala ang eight-division boxing champion kahit na tinalo siya ni Cuban boxer Yordenis Ugas.

 

 

Bibigyan nila ng “champion for life” belt si Pacquiao bilang bahagi ng pagdiriwang ng centennial celebration ng WBA.

Other News
  • Nakaka-relate dahil galing din sa broken family: ZAIJIAN, ramdam ang nerbyos at pressure sa bagong role

    AMINADO si Zaijian Jaranilla na may naramdaman siyang nerbyos at pressure dahil sa role niya bilang Gio Ilustre, ang solong anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa  upcoming ABS-CBN drama series The Broken Marriage Vow, which premieres on January 22 on iWantTFC and January 24 on Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, and […]

  • 450 solo parents tumanggap ng cash aid

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.     May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.     Kasama sa ikaapat na batch ng […]

  • Malakanyang, hindi sigurado kung ilalabas ni PDU30 ang drug list bago ang 2022 polls

    HINDI sigurado ang Malakanyang kung ilalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang listahan ng narco-politicians bago pa ang May 9, 2022 national at local elections.     “On whether the Chief Executive would release a list of candidates involved in illegal drug trade, we cannot second guess the President in this regard,” ayon kay acting […]