• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WBC kinilala ang galing nina Donaire at Magsayo

Labis ang kasiyahan ng dalawang Filipino boxers matapos na sila ay kinilala ng World Boxing Council (WBC) dahil sa kanilang tagumpay ngayong 2021.

 

 

Kinabibilangan ito nina Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr at Mark “Magnifico” Magsayo.

 

 

Kinilala si Donaire bilang “Comeback of the Year” habang si Magsayo naman ay kinilalang “Prospect of the Year”.

 

 

Tinalo kasi ni Donaire si French-Morrocan boxer Nordine Oubaali noong Mayo para makuha ang WBC belt at nitong Disyembre ay nagwagir rin ito sa kapwa Filipino boxer na si Reymart Gaballo.

 

 

Si Magsayo naman ay kinilala ang 10th round knock out niya laban kay Julio Ceja noong Agosto.

 

 

Nakuha naman ni Mexican boxer Saul “Canelo” Alvarez ang “boxer of the Year Award” at nabigyan siya ng WBC Cares Award at Event of the Year laban kay Caleb Plant noong Nobyembre.

Other News
  • ABSOLUTE PARDON IPINAGKALOOB KAY PEMBERTON

    NAGPALIWANAG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging desisyon na pagkalooban ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.   Ang dahilan ayon sa Pangulo ay hindi kasi binigyan ng patas na pagtrato ng Pilipinas si Pemberton.   Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi kasalanan Pemberton kung […]

  • SC: NCAP hearing sa Dec. 6 gagawin

    BINAGO ang petsa ng nakatakdang pagdinig ng petitions sa Supreme Court (SC) tungkol sa oral arguments ng legality ng no-contact apprehension policy (NCAP).   Matapos ang panawagan ng mga transport advocates tungkol sa petitions ng legality ng NCAP, ang petsa ng pagdinig ay ginawa na sa darating na Dec. 6 at hindi na sa Jan. […]

  • LTO hindi maglalabas ng mga na-impound na colorum na sasakyan hanggang walang kautusan ang korte

    Tanging korte lamang ang maaring magbigay ng kautusan para mabawi ang mga nakumpiskang colorum na sasakyan.         Sinabi ng Land Transportation Office (LTO), na hindi sila basta naglalabas ng mga nakumpiskang colorum na sasakyan kahit na nakapagbayad na ang mga operators ng mga multa.         Giit ni LTO chief […]