• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ABSOLUTE PARDON IPINAGKALOOB KAY PEMBERTON

NAGPALIWANAG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging desisyon na pagkalooban ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

 

Ang dahilan ayon sa Pangulo ay hindi kasi binigyan ng patas na pagtrato ng Pilipinas si Pemberton.

 

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi kasalanan Pemberton kung hindi nai-record ang kanyang good conduct time allowance (gcta).

 

“It is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him, the good character presumption kasi wala namang nagreport na Marines na nagsabi na nagwawala siya,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“‘Pag walang record di mo malaman kung nabilang ba o hindi. Pag ka ganon hindi kasalanan ni Pemberton. He is not required to keep a record of his own and char- acterize his behavior while inside the prison,” aniya pa rin.

 

Kaya ang sabi niya aniya kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Executive Secretary Salvador Medialdea na desisyon niyang pagkalooban ng absolute pardon si Pemberton

 

“So sabi ko kay Justice Secre- tary, Medialdea, pati si Secretary…

 

‘Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. You have not treated Pemberton fairly. So i-release mo’,” ang pahayag ng Pangulo.

 

“Pardon. Ang pardon walang maka-question niyan. Kaligayahan ko na lang magpakulong ng mga buang, mga gago but it is time that you are called upon to be fair, be fair,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna nang kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinaglalooban ni Pangulong Duterte ng absolute pardon si Pemberton.

 

Ang ibig sabihin ani Sec. Roque ay makakalaya na si Pemberton.

 

Si Pemberton ay nahatulang guilty sa kasong homicide dahil sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014.

 

“Wala na pong issue kung siya ay entitled sa GCTA (Good Conduct Time Allowance), wala ng issue kung applicable pa sa kanya ‘yong batas dahil hindi siya nakulong sa National Penitentiary,” ayon kay Sec. Roque. “Binura na po ni Presidente kung ano pa ‘yong parusa na dapat ipapataw kay Pemberton,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang hindi lamang aniya nabura ng Pangulo ay ang pagiging mamamatay-tao ni Pemberton.

 

“Ang hindi po nabura ng Presidente ‘yong conviction ni Pemberton. Mamamatay-tao pa rin po siya pero kung ano pa ‘yong karagdagang parusa pa, binura na ni Presidente,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, hindi na aniya kailangang bigyan ng dahilan ni Pangulong Duterte ang naging hakbang niyang ito dahil ang pag -grant aniya ng pardon at parole ay hindi tungkulin ng hudikatura kundi ng ehekutibo.

 

“yan po ay one of the most presidential of all presidential powers, the grant of pardon and parole,” giit ni Sec. Roque.

 

Kaya nga, pwede na aniyang umuwi ni Pemberton dahil meron na siyang pardon mula sa Pangulo.

 

Samantala, nilinaw ni Sec. Roque na ang Pangulo ay hindi anti- US kundi ang Pangulo aniya ay para sa independent foreign policy.

 

“kaibigan ng lahat, walang kalaban,” ayon kay Sec. Roque.

Other News
  • Top Ten cities sa NCR kinilala ng isang NGO

    BINIGYANG pagkilala ng isang non- governmental organization ang top ten cities sa National Capital Region pagdating sa usapin ng masinop na pananalapi.     Ayon kay Jose Esgaña, tagapangulo ng grupong CPAS-LEADGROUP Inc., napili ang sampung nangungunang lungsod batay sa pagsusuri na nakabase naman sa mga datos na nakalathala sa website ng Commission on Audit. […]

  • Zamboangueña teen weightlifter nasungkit ang 2 gold, 1 silver sa World Youth Weightlifting Championship sa Mexico

    NASUNGKIT ng Zamboangueña teen weightlifter na si Rose Jean Ramos ang 2 gold at 1 silver medal sa isinagawang World Youth Weightlifting Championship 2022 na ginanap sa bansang Mexico.     Si Rose Jean ay 16 years old at residente ng Barangay Mampang sa Zamboanga City.     Ang World Youth Weightlifting Championship ay isang […]

  • ‘Sakaling dumami ang COVID cases sa NBA bubble, season ititigil uli’ – Silver

    Hindi naitago ni NBA Commissioner Adam Silver ang kanyang pangamba sa posibleng pagkalat ng coronavirus sa loob mismo ng Disney World campus sa Orlando na maaaring mauwi sa tuluyang kanselasyon ng 2019-20 season.   Pahayag ito ni Silver ilang linggo bago ang inaabangang pabubukas ng NBA season kung saan ilang mga players at staff na […]