WBN Fighter of the Year trophy nakuha na ni Pacquiao
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
Natanggap na ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang Fighter of the Year award nito na iginawad ng World Boxing News (WBN).
Ibinigay kay Pacquiao ang naturang parangal matapos ang matagumpay na kampanya nito noong nakaraang taon kung saan dalawang impresibong panalo ang kanyang naitala.
Nakuha ni Pacquiao ang unanimous decision win kay Adrien Broner noong Enero sa MGM Grand Garden Arena para mapanatili ang World Boxing Association (regular) welterweight crown.
Muling sumalang si Pacquiao noong Hulyo kung saan kinubra nito ang split decision win kontra kay Keith Thurman para maagaw ang WBA (super) welterweight belt sa parehong venue.
Ito ang ang naging matibay na batayan ng WBN para ibigay kay Pacquiao ang pinakamataas na parangal para sa taong 2019.
Nakapost sa official website ng WBN ang larawan kung saan hawak na ni Pacquiao ang tropeo ng 2019 Fighter of the Year.
Naantala ang pagdating nito sa Pilipinas dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ngunit inaasahang magbabalik-aksyon si Pacquiao sa susunod na taon kung saan nakahilera na ang mga boksingerong nais makasagupa ang Pinoy boxing legend kabilang na sina Errol Spence, Terence Crawford, Mikey Garcia at Danny Garcia.
Pinakamalakas ang tsansa ni Ultimate Fighting Championship superstar Conor McGregor matapos kumpirmahin ng Paradigm Sports Management na ikinakasa na ang laban nito kay Pacquiao.
Nauna nang napaulat na target itong ganapin sa Middle East.
Subalit nilinaw ni Pacquiao na papayag lamang ito kung magiging co-promoter ang kanyang Pac Sports and Entertainment agency.
-
Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas
PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City. Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]
-
Health Centers sa Maynila, bubuksan para sa bakunahan
Bubuksan na rin at gagamitin ang mga barangay health centers sa Maynila para sa ‘vaccination drive’ upang mas maabot umano ang mga hindi pa nababakunahan na residente. Ito ang inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno kahapon dahil sa ‘saturated’ na umano ang bakunahan sa Maynila at kakaunti na lamang ang hindi natuturukan. […]
-
Mga patakbo balikan
NATUTUWA ang lahat ng mga marathoner, half-marathoner, runner, triathlete, duathlete, aquathlete, cyclist, swimmer at iba pang mga ngangarera sa outdoor at indoor dahil sa maraming nagbalikan ng mga road racing event. Siyempre kasama po ang inyong lingkod na isang marathoner. Makakakarera na po po ng face-to-face sa maraming sports event ang […]