Weightlifters na mga tinuruan ni Hidilyn Diaz namamayagpag sa Batang Pinoy
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pamamayagpag ng mga weightlifters na sinasanay ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa Batang Pinoy sa Puerto Princesa, Palawan.
Nanguna dito sa Adonis Ramos sa boys 16-17 55kgs. category kung saan nakamit nito ang kabuuang 185 kgs. lift .
Ilan sa mga kasama nito ay sina Maybell Riones sa girls 12-13 , 35 kg. class; Reyandine Marie Jimenez sa girls 12-13 , 40 kgs. class at Matthew Diaz sa boys 12-13 -43 kgs.
Ang mga ito ay nakahakot na ng apat na gold, anim na silvers at isang bronze.
Kasama ni Hidilyn ang asawa nitong si Julius na nagsasanay sa mga bata sa ipinatayo nilang gym sa Jala-Jala, Rizal.
Sinabi ni Naranjo, na siyang nag-training kay Hidilyn na nagkakaroon na interest ang mga kabataan na sumabak sa weightlifting mula ng magwagi ng gintong medalya si Hidilyn sa Olympics.
Ikinakatuwa rin nito ang pagdami ng mga kabataan ang sumasali sa weightlifting sa Batang Pinoy kumpara noong panahon niya na tanging siya lamang ang lumalahok kaya ito nakakakuha ng gintong medalya.
-
Sa work muna magpo-focus: MAUI, hiwalay na sa longtime partner pero magkasama pa sa house
HIWALAY na ang former Viva Hot Babe na si Maui Taylor sa kanyang longtime partner kung kanino meron siyang dalawang anak na lalake. Paliwanag ni Maui na co-parenting sila sa mga bata: “We’re co-parenting. We’re in one house pero I sleep in a different room. Matagal na siyang ganung setup. Walang pakialamanan.” […]
-
Maligayang ika-49th Founding Anniversary sa ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority
Pagbati na din sa Kappa Rho Community Chapter ng Valenzuela Skeptron Council na magdiriwang ng ika-9th Chapter Anniversary sa August 13, 2022, lalo kay Chairman Edmar Jimenez, Founder/Organizer Roi Alabastro at Grand Skeptron Carl Dacasin. (CARDS)
-
Dahil sa korapsyon, 5 hanggang 6 na Cabinet members, sinibak sa puwesto
ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon. “When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for […]