Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang walang suot na helmet si Bright Crisostomo, 20 ng 94 B Mabalacat St. 6th Avenue, Brgy. 111 nang tangkain nitong takbuhan ang police checkpoint sa kanto ng M.H. Del Pilar at 6th Avenue Streets dakong 8:40 ng gabi na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis.
Nang makorner nina P/Cpl. Ram Jorge Venturina at Pat. Emmanuel Gomez, Jr. ng East Grace Park Police Sub-Station 2 ay tinangka nilang arestuhin ang suspek subalit nanlaban ito at sapilitang inagaw ang service firearm ni Cpl. Venturina.
Itinutok ng suspek ang baril kay Ventura at tatlong beses na kinalabit ang gatilyo habang nagsasalita na “Pu..ina mo, papatayin kita” subalit nasa safety mode ang baril kaya’t hindi ito pumutok.
Kaagad sinunggaban ni Pat. Gomez ang baril hanggang sa madisarmahan nito ang suspek saka pinosasan.
Ani kay Col. Mina, iprinisinta ang suspek sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa kasong Frustrated Murder at paglabag sa Article 151 o disobedience of lawful orders of Persons in Authority or their Agents. (Richard Mesa)
-
Solon sa commercials, manufacturing firms: Kolektahin at i-recycle ang plastic
UPANG mabawasan ang plastic pollution sa bansa, isinusulong ng isang mambabatas na gawing mandato para sa mga commercial establishments at manufacturing firms na siyang mag-recover, kolektahin, i-recycle at i-dispose ang plastic waste at non-biodegradable materials. Kapag naisabatasm ire-require ng House Bill 6180 na inihain ni Baguio City Rep. Mark Go ang mga commercial establishments […]
-
Tsina, muling sinisisi ang Pinas sa tensyon sa South China Sea
SINISISI ng Tsina ang Pilipinas sa sinasabing non-adherence o hindi pagsunod sa kasunduan sa South China Sea dahilan ng pagtaas ng tensyon sa katubigan. Kinuwestiyon kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang umiiral na “gentleman’s agreement.” Hindi naman direktang nag-komento ang Chinese Embassy in Manila sa tahasang pagtanggi ni Pangulong Marcos […]
-
Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan
KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology. Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang […]